Chapter 7.3.4

27.4K 607 5
                                    

Published: August 25, 2013

CHAPTER 7.3.4

KATIE's POV

Halos lunch time na nang makatapos kami sa pagtatanim. And hell yeah, I am so tired and dizzy! First time in my life that I've worked really, really hard.

"Kumain ka na, Miss Katie." Si Aling Teresita. She's so formal. Should I tell her to just call me Katie and omit the 'Miss'. "Mukhang napagod ka nang husto..." Nahihiya pang sabi niya.

"Oh yeah, first time kong nagtrabaho nang ganito sa buong buhay ko!" Makahulugan pa akong ngumiti kay Mr. Pangit. Pero tulad nang dati, he just ignored me.

"Medyo nangitim ka tuloy," Napaawang lang ang labi ko sa sinabi niya. 

Si pangit muntik pang maibuga ang kinakain niya dahil sa sinabi ng nanay niya! Oh, I hate him!

"'Nay, 'wag ninyong pinupuna ang kulay niya. Naco-concious siya," He gave me that oh-well-I'm-not-the-only-one look on his face.  Asshole.

"So funny..." Umismid ako kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang isubsob sa kinakain niya.  I super hate him!

"Here..." Inilagay pa niya 'yung phone niya sa may tapat ko. "Tumawag ka sa papa mo at magpadala ka ng gluta or anything na makakakontra sa pag-itim mo."  Sabi pa niya habang nagpipigil nang ngiti.

Pinigilan ko ang mainis at 'di ko siya pinansin. Ignore him. Ignore him. I took a deep sigh and just eat my lunch.  Gosh, may gulay na naman?

"Don't you have anything here aside from vegetables?" Kumunot ako sa nanay niya. Hindi ko pa rin maiwasan ang magpaka-maldita. This is me.

"Ha e..." Napakamot lang ng ulo si aling Teresita at tumingin lang kay pangit!

"Masanay ka na dahil once a week lang kami kumain ng karne dito." Sagot pa ni pangit! Once a week?!

"Do you want to watch me die, huh?!" I frowned. "I can't eat this!"

"Subukan mo muna kasi bago ka mag-reklamo." He coldly said.

"Oo nga, Miss Katie. Masarap naman ang luto ko at sariwa ang gulay. Masarap siya." Ingganya pa sa akin n'ung nanay niya.

Napalunok lang ako habang nakatingin sa gulay. I don't know kung anong klaseng mga gulay 'to. Hindi ko masabi dahil hindi talaga ako kumakain ng gulay. Except for lettuce lang... wala na.

"Subukan mo na." Si pangit ulit na panay lang ang kain. Mukhang nage-enjoy talaga siya sa pagkain. Hello naman! Masarap para sa kanya dahil iyon lang ang kaya ng mga bulsa nila!

"Pakbet ang tawag sa luto na 'yan." Ang nanay ulit niya na nakangiti pa. "May kaunting bagoong 'yan at tokwa."

Jeez, just try it Katie! Mukhang sa hitsura ni pangit, hinding-hindi niya ako ibibili ng ibang pagkain!

Huminga ako nang malalim at sumubo nga ng gulay.  Nginuya ko iyon and surprisingly they're right. It's not bad.  Well actually, it's good.

"Good girl..." Nakangiting sabi lang ni pangit. "Mabuti 'yan para sa'yo." Dugtong pa niya.

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang nang kumain. And I couldn't believe it myself, ang dami kong nakaing gulay!

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon