Chapter 7.4.4

29.3K 617 4
                                    

Published: August 25, 2013

Pasensya na po at maigsi pala yung nakaraang part haha cnsya na at mali ako ng cut!  dapat pala two parts lang.  hehe nway, like i said, try ko everyday UD... but!  try... if not, every other day oki doki?!  baka kz jeling yung readers ko MTY. haha di naman nila alam ang closeness ko sa KQ family ko... so, try.

********

CHAPTER 7.4.4

KATIE's POV Cont.

            “Takaw mo pala...”  Si pangit ulit.  Kanina pa pala ako pinagmamasdan ng lokong ‘to.

             Umismid lang ako at agad kong kinuha ang cellphone niya.

            “Hey!”  Pigil pa niya sa akin.

            “What?!”  Kumunot ako at pumayag na siyang tawagan ko si papa a!

            “Maghugas ka muna ng mga pinagkainan natin bago ka tumawag.” 

            “Anak, ako na lang-” 

            “Hayaan po natin siya, nanay.”  Umiling lang siya sa nanay niya na mukhang wala rin namang magagawa para sa akin.

            “I am very tired!”  Reklamo ko pa at ang sakit na ng katawan ko.

            “Tulung-tulong tayo sa gawaing bahay kaya 'wag ka na magreklamo.”  Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at inagaw ulit sa akin ang cp niya.  “Kunin mo na lang ulit sa akin ‘to mamaya pagkatapos mo.”  Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya.  Bwisit talaga!

            Mariin ko na lang kinagat ang labi ko para pigilan ang sobrang inis.

            “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Miss Katie,”  Mapait pang sabi lang ni aling Teresita.  Tinulungan niya akong magligpit ng mga pinagkainan namin.  “Hindi ko alam kung bakit ganyan siya sa’yo at hindi ko alam kung ano nangyari sa inyong dalawa pero mabait na bata naman 'yan.”

            Yeah, tell me about it.  Napailing ako at mas pinili ko na lang magsawalang kibo.  Alam ko naman ding kaya siya masungit ay dahil sa pagpapatanggal ko noon sa kanya sa canteen.  And of course, pati na rin ang mga sanga-sanga naming sagutan at awayan. 

            “Just call me, Katie and thank you for accommodating me here.”

          “Ha?”  Napakamot lang siya ng ulo.  “Sorry, hija, pero ano nga ang sinabi mo?  Si Ricky lang kasi ang magaling sa ingles.”

            Napangiti lang ako sa sinabi niya.

            “Salamat po sa pagpapatira ninyo sa akin dito.”  Ulit ko pa.

            “Naku, walang anuman 'yun.  Nangangailangan ka nang tulong kaya natural na tulungan ka namin.”  Matamis lang siyang ngumiti.  Ngayon ko lang napansin, ang laki nang hawig ni pangit sa nanay niya. She’s actually very pretty kung mag-aayos lang siya.

            Tumangu-tango lang ako sa kanya.  Ricky was forced to help me.  Wala siyang choice dahil n'ung magkataon na may gulo sa bahay, siya ang nand'un.  I doubt it kung tulungan niya ako kung sa labas man mangyari 'yun. 

            “May girlfriend po ba si Ricky?”  Mahinang tanong ko pa.  She’s helping me wash the dishes.

            “Sa pagkakaalam ko wala.”  Bahagya pa siyang napaisip.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon