Chapter 7

39.9K 1.4K 758
                                    


Busy ako sa paggawa ng assignment ko nang may kumatok sa pinto. Yung katok na sila lang ang gumagawa ng ganon klaseng katok.

Huminga ako ng malalim at tinakpan ang tainga ko.

"Ate!" Kahit na tinakpan ko ng tainga ko ang lakas pa din ng boses nila.

Biglang bumukas ang pintuan at nagsabay-sabay na nagsalita ang tatlo.

"Ano ba triplets!" kapag sabay sabay silang sumigaw para silang microphone na tinapat sa tainga. Ang lakas!

"Sya." sabay sabay sila nagturuan. Napafacepalm na lang ako.

"Bakit ba kayo nandito?" tanong ko. Tinaasan ko ng kilay si Frost nung nagtaas sya ng kamay.

"Me! Me! Me!"

"Fine, what?"

"Maglalaro kami dito!" proud na sabi nya pa.

"Hindi ito playground, Frost." gagawin pa itong palaruan, ang tahimik ng bahay ko tapos mag-iingay sila.

"Dito namin gusto i-try ang bago naming instrument." sabi ni Ice. Tumaas kilay ko don. Na naman?

"Na-spoiled na naman kayo." sabi ko. Lagi silang spoiled kanila Mama, lahat ng hinihingi nila naiibibigay. May joined force eh syempre makukulitan sila Mama sa mga ito kaya naibibigay. Buti nga hindi nagtatampo yung bunso namin.

"Gagawa kami ng banda Ate! At magiging sikat kami!" sabi ni Cold.

"Tama!" sabi ni Frost.

"Eh kung tig-sasapakin ko kayo? Wag kayo dito manggulo, don kayo kay Right!" hindi soundproof ang mga kwarto dito kaya kapag nagsimula silang tumugtog madi-distract ako.

"Ayaw nya, madi-distract daw sya." sagot ni Ice.

"Sa tingin nyo hindi nyo ako madi-distract? Doon kayo sa bahay!" Letche ang mga ito hindi man lang ako inisip.

"Ayaw ni Mama at Papa." sabi ni Cold. Napairap ako, ayaw dahil may milagro.

"Paki ko? Basta wag kayo dito. Gumagawa ako ng assignment." sabi ko sa kanila. 

"Wala ka naman masasagot dyan." sagot ni Frost. Binato ko sya ng lapis.

"Layas!" sigaw ko.

Pumasok si maid na may dalang tray ng juice at doon nagsitago sa likod nya yung tatlo.

"Ate Nissan, pinapaalis kami ni Ate." sabi ni Ice. Langya ito para nung una ayaw nya kay maid, ngayon ang bait bait. Style nito kakaiba.

"Ate sumbong mo yan kay Mama pinapalayas kami." sabi ni Cold.

"Magsitigil kayo triplets. Lumayas kayo dito kung ayaw nyong masapak ko kayo!" tumayo na ako sa kinauupaan ko at handang sasapakin sila kaso nagsitakbuhan sila palabas ng bahay.

"Ang panget mo Ate!" Aba't siraulo din 'tong mga ito.

Tumingin ako ng masama kay maid na tumatawa ng mahina.

"Tinatawa-tawa mo dyan?!" nagulat sya sa pagsigaw ko at mabilis na umiling. "Anong wala? Tatawa ka ng walang dahilan? Baliw ka na?" anong akala nya hindi ko alam kung bakit sya tumatawa, gusto ata makatikim ng suntok ito.

Umiling sya ng umiling. Inirapan ko sya at umupo ulit sa upuan. Tinignan ko ulit ang assignment ko, tama si Frost wala nga akong masasagot dahil tinatamad akong mag-isip ng sagot. Duh! Sabado kaya ngayon at dapat nagpapahinga ako pero dahil sa letcheng assignment na ito hindi ko magawa.

"Hoy maid." tawag ko sa kanya bago sya makaalis ng kwarto. "Gawin mo itong assignment ko. Wag kang umangal dyan." utos k.

Agad naman syang sumunod at tinignan ang assignment ko. Ako naman pumunta sa kama at nahiga. Shit, napagod ako kakaupo ah.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon