Ikalabing-dalawang Kabanata

2.2K 138 69
                                    



Byun Baekhyun.

Performance day namin ngayon at nagpa-pasalamat ako sa lahat ng pwedeng pasalamatan dahil nairaos namin iyon kahit na nag-iiwasan kami ni Chanyeol. Nanalo kami sa contest na iyon at sabi ng principal, kami na raw ang official boy group ng school na ito. Kapag may mga activities daw sa school kaylangang mag-perform din kami.

Hindi naman ako tutol doon. Bukod sa mahahasa ako sa pagsusulat ng kanta, magkakaroon na rin ako ng past time dahil tuluyan na akong nakalimutan ni Sehun. Hindi nga sumusulpot dito si Luhan hyung kaso kay Kai naman siya dumikit ng dumikit ngayon. Madalang na rin akong sumabay sa kanila kumain sa leisure room. Simula noong naging close si Chanyeol at Krystal, miminsan na akong mapadpad doon. Ibinalik ko na nga rin iyong spare card na binigay ni Suho hyung sa akin. Hindi naman sa lumalayo ako sa kanila pero siguro nilulugar ko na lang din iyong sarili ko kung saan ba ako nararapat. Lahat sila doon mga tagapagmana, ako lang ang hindi.

Dumaan na naman ang isang linggo. Isang linggong pag-iwas kay Chanyeol at pag-distansiya sa kanila. Kapag vacant time namin mabilis akong lumalabas ng room para hindi na nila ako mahila papunta sa leisure room. Napansin ko rin na hindi na pinupuntahan ni Chanyeol iyong puno niya sa soccer field kaya ako na lang iyong palaging nakatambay doon. Aaminin ko, nahihirapan akong mag-adjust at bumalik sa dating ako. Sobrang namimiss ko na kasi sila.

Balik sa pagbabaon na ulit ako ng lunch. Noong mga panahong sa leisure room kami kumakain hindi na nila ako pinagbaon eh. Isa't kalahating taon din akong kumakain mag-isa sa school. Wala pa nga atang isang taon na kaibigan ko si Sehun eh, kaya kapag kumakain ako dito lugmok na lugmok ako. Dati sanay akong kumain mag-isa pero ngayon hindi na. Gusto ko silang puntahan doon sa leisure room, tanaw kasi dito mula sa pwesto ko eh. Halatang nagkakasiyahan sila. Hindi ko maiwasang masaktan ng makita kong nakangiti sila, habang ako dito nagmu-mukmok.

Naaawa na lang ako dahil napagdiskitahan ko iyong mga damo at halos makalbo na iyong kaharap kong lupa sa dami ng damo kong natanggal. Nakakainis kasi. Ayaw ko ng ganito eh. Nawawalan ako ng gana mag-aral.

"Kawawa naman yung mga damo," awtomatikong nanigas iyong katawan ko. Gusto kong tumakbo sa mga bisig niya. Sobrang na-miss ko iyong boses niya. Pero pinigilan ko, kasi panigurado, ako rin naman iyong masasaktan sa huli. Oo na. May gusto na rin ako kay Chanyeol. Nag-reflect ako last week at saka ko lang nakumpirma kahapon. Hindi naman kasi normal iyong mga nararamdaman ko kapag nakikita ko siya at naririnig ang boses niya. "Kamusta ka na, Baekhyun?" Ni hindi na nga niya ako tinatawag na Baek. Nakakatampo pa kasi hindi man lang ako nakarinig ng sorry mula sa kanya para doon sa nangyari sa shower room last week.

"Okay lang ako," naupo siya sa tabi ko at nagsimula na ring magbunot ng mga damo. Tignan mo, akala ko concern siya sa mga damo kanina pero hindi naman pala.

"Namiss kita," dalawang salita na sapat na para magpabilis ng tibok ng puso ko. Parang may nagkakarera sa dibdib ko at parang may mga paru-paro namang lumilipad sa tiyan ko.

Namiss din kita, Yeol. Gustong-gusto kong sabihin iyan pero ayaw lumabas sa bibig ko. Nginitian ko na lang siya at piniling hindi na tumugon sa sinabi niya.

"Sorry pala doonㅡ" hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na kasing mag-eexplain siya, at kapag narinig ko iyong explanation niya, natatakot ako sa pwedeng maging reaction ko.

"ㅡokay lang," tumayo na ako at nagligpit ng gamit; siya naman nanatiling nakaupo habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. "Mauna na pala ako."

Pero nakakadalawang hakbang pa lang ako nang naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Ano ba iyan, Chanyeol? Akala ko ba wala ka naman talagang nararamdaman sa akin? Pero bakit ganito ka? "Baek, sobrang miss na kita. Balik na tayo sa dati, please."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon