Ikalabing-tatlong Kabanata

2.1K 122 21
                                    



Park Chanyeol.

"Makakarating ito sa Daddy mo, Chanyeol," halos makaramdam ako ng malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko dahil sa kataga ni Jessica bago umalis. Isusumbong niya ako kay Daddy, ni hindi pa nga kami nagkakaayos ni Daddy may bago na naman akong pro-problemahin.

Nag-iisang anak akong lalaki at naging tapat sa akin si Daddy noong bata pa lang kami ni Yoora noona na gusto niyang kumalat ang lahi naming mga Park. Oo, pwede siyang magkaapo kay Yoora noona pero hindi naman Park ang dadalhing surname ng anak niya pag nagkataon kaya ako talaga iyong pinapatungkulan ni Daddy. Natatakot ako na malaman niya ganito akona bisexual ako at nagkakagusto ako sa lalaki. Isa na nga akong malaking disappointment sa kanya pati ba naman simpleng hiling na magkaroon ng apo at magdadala ng apelyidong Park ay hindi ko pa magagawa?

Hindi ako mapakali, balisa ako. Dahil alam kong isang tawag lang ni Jessica kay Daddy, malalaman na niya agad ito. Worse is baka umuwi na naman sila ng wala sa oras ni Mommy dito sa Pilipinas. Nakita kong akmang tatayo si Baekhyun sa kinauupuan niya kaya inunahan ko na siya. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon, masyado pang magulo. Ayaw kong madamay siya dito sa problema ko sa Jung Sisters. Ang paalam ko ay magpapahangin ako pero hindi, sinundan ko ang Jung Sisters. Kaylangan kong gumawa ng paraan para hindi ito malaman ni Daddy at para lubayan ni Jessica si Baekhyun. Ayaw kong matikman ni Baekhyun kung gaano kasama si Jessica. Hindi ko kakayanin.

-

-

"Mag-usap tayo," isang mapang-asar na ngiti ang itinugon sa akin ni Jessica bago pinaalis si Krsytal.

"That was fast Chanyeol. Anong maipaglilingkod ko sayo?"

Dinala ko siya sa likod ng garden ng school. Ayaw kong may makarinig sa pag-uusapan namin. Ayaw kong may makaalam na magpapa-alipin ako sa magkapatid na ito. "Anong gusto mong gawin ko para hindi mo ako isumbong kay Daddy?"

"Hmm. . ." Napahawak pa siya sa baba niya. Kung hindi lang talaga demonyita itong si Jessica ay baka nagustuhan ko na siya, kaso nakakaturn-off. Kakaiba ang level ng sama ng ugali niya. "Pasayahin mo si Krystal, layuan mo si Byun Baekhyun. Simple as that."

Simple as that? Hindi niya ba alam na parehong torture sa akin iyong gusto niyang gawin ko? Pasayahin si Krystal? Paano ko papasayahin si Krystal? Eh isang bagay lang naman ang magpapasaya sa kanya, at iyon ay ang makontrol ako. Layuan si Baekhyun? Hinding-hindi ko maisip na magagawa ko iyan sa tanang buhay ko. Ngayon pa bang napalapit na ako sa kanya? Ngayon pa bang nagiging open na siya sa akin?

"Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi. Alam mong isang dial ko lang sa Daddy mo sa China ay malilintikan ka. At alam mo rin kung paano ako kumilos Chanyeol. Gusto mo bang simulan ko na ngayon?"

Nagpanic ako noong biglang may kinalikot siya sa cellphone niya. Hindi maari, ayaw kong malaman ni Daddy ito. Matanda na siya, humihina na iyong katawan niya. May sakit din siya sa puso, hindi ko alam ang gagawin ko kapag ako iyong magiging reason kapag inatake ulit siya sa puso. "P-payag na ako. Pero sa isang kondisyon."

"Ang kapal din naman ng mukha mong humingi ng kondisyon, Chanyeol."

"Please lang, Jessica. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta 'wag mo lang gagalawin si Baekhyun."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon