i. Pagkilala sa Karakter

115 6 10
                                    


***


"Oh wattpad na naman, sineswelduhan ka ba nyan? Mag laba ka na muna!" sabi ni erpats. Hayst. Dapat siya 'tong maglalaba eh. Inuupdate ko pa yung story kong "The Mystery Tribe". Mga comments kasi, laging update ang laman. Ewan ko kung maiinis ako. Bakit? Sila ba nagsusulat? Eh nakikibasa lang naman sila ah. Di bale na.

"Tay, ikaw naman, naglaba palang ako ng mga basahan mo kahapon eh," padabog kong sabi kay erpats. "Tsaka tataposin ko pa 'tong ginagawa ko eh"

"Aba, pinalaki ka bang..."

"ganyan? Pinapakain kita dito, tatlo sa isang araw ang pagkain mo, tapos ito lang isusukli mo. Wala kang utang na loob," Pagpatuloy ko sa sinabi ni erpats. "MMK pa erpats, gasgas na yan sa mga story dito sa wattpad. Tsaka tama na pa, nakakasawa na rin eh, find new lines to conquer the best act"

"Anak ko talaga oh. Nagmana sa inay," at ginulo ang buhok ko. "Pero Mox, maglaba ka muna, ang baho na ng briep mo sa labahan"

"Aba tay, linabhan ko yun ng dishwashing soap no!"

"Kadiri ka. O'sya sige na. Bibili lang ako ng whiskey kay Aling Natividad"

"Whiskey? Utot mo erpats"

*prrrt*

"Erpats, ang baho nun" Pilosopo naman ng pwet ng itay. Tinakpan ko nalang ng kamay ko ang ilong. Pwe, ang sangsang.

"Sabi mo eh. Hahaha. Sige na. Maya ka na nga lang maglaba. Parang paulan na rn eh" Tong itay ko, bata mag-isip kesa sakin.

"Geh." At bumalik ako sa pagkatutok sa computer naming Windows XP pa. Pinagpatuloy ko nalang ang kwento na ginawa ko.

"Wag. Uhhh!" At nawalan ng malay si Genivieve. At binuhat ni Y.

"M. Ano ba wag mo ng..."

"Ano ba yan, nakakatamad na sa mga mystery story. Sa susunod gagawa na talaga ako ng Romance" Kinausap ko sarili ko. Dati kasi, umabot sa hundred reads ang stories ko. Ngayon, wala na.

"Siguro nga, gagawa na ako ng Romance"

Ever since, di ko pa natry gumawa ng romance at teen fiction. Why try? Naks, umeenglish.

Itinapat ko sa profile ko yung mouse, tas sa Create at linagyan ng title.

"Mystery love? Pwede. Pero pang mystery parin eh" Di mawala sa isip ko ang pag pasok ng mystery sa story ko.

At enter.

At yung pag enter ko nun. Dun din pala sya eenter sa buhay ko.

Mox16. Mystery. Author.

***

"Know what, kahapon there sa school, I kita-kita my Alvinzkieelabss, at he ay soo cute!" Palundag-lundag na sabi ni Ate. At tanging 'geez' lang ang sinabi ko.

"Kyla, don't make pindot pindot that, yan will make the world pogsh pogsh."  Hayst, pati si Deana, nahawa na sa kaconyohan ni Ate. Deana, the nuclear scientist.

"Rhyme, what ba? You don't kinig-kinig again sa story I sabi-sabi" Si Ate na naman, kainis ang kakaconyo niya. "I don't get you, why ba you gawa that kind of story, like duh, sci-fi? It's so so so boring"

"Wala kang pake. Dati pa. Wala ka nang pake. Di mo ko kilala. At di na kita kilala" bulong ko.

After that convo with my sister, lumabas ako ng bahay at pumunta sa playground. Kahit papaano makaamoy ako ng fresh air.

AuthorWhere stories live. Discover now