HGG [41]

140K 2.8K 314
                                    

Chapter 41

Janine's POV

[FOUNDATION DAY] 

Proud na proud ako kay Riza. She's training very hard. I know she's perfect to be in my place. Di ako nagkamali na piliin siya.

"Now na nagdaan na ang weekend, let's have fun! Lalong-lalo na ikaw Riza! Magdamag kang nag-training!" masiglang sabi ni bes.

Opening na ng mga booths, so we're all looking forward to having fun.

Biglang dumating sina Insan at bigla niyang inakbayan si Riza na ikinamula naman niya. "Don't worry. Sisiguraduhin kong magsasaya tong babaeng to" nakangisi niyang sabi.

"Naks, Zander. Siguraduhin mo lang kundi babangasan ka namin" pagbabanta ni Lindsey. Nag-thumbs up lang si Insan bago kaladkarin paalis si Riza.

"Teka. By group ba tayo? Or by partner?" tanong ni bes.

"By group muna! Tagal na nating di nagbo-bonding eh. Dali na girls... please?"

"Sure First.. !" sabay-sabay na sabi nila.

Nag-ikot ikot kami bago tumigil. "So where to, girls?" tanong ko. 

I admit, namangha ako sa booths nila ngayon. Random na random talaga. Meron din yung mga nakikita mo sa theme parks or something. Basta yun.

"Hey! Yun kaya muna? You need to pop as many balloons as you can in 1 minute. Tayo ang first tryers nila!" suggest ni Ruth.

Masayang nagtakbuhan naman kami sa booth na iyon. Kinulong nila kami sa isang classroom where maraming balloons na ang nandoon sa loob. Ang sabi, kailangan daw kunin ang ticket na nasa loob ng mga balloons. More tickets, bigger prizes!

"And your 1 minute starts...now!"

Nagsimula na kaming magpaputok ng balloon, in our very own unique ways.

Inuuna ko ang mga malapit sa wall para i-slam doon ang balloon. 30 seconds have passed and I already have 15 tickets.

Naubusan ako ng balloons na malapit sa wall kaya lumipat ako sa gitna ng room.

Ginagamit ko na lang ang kamay ko kapag puputukin ito kaso pahirap ng pahirap paputukin ang mga lobo.

"Times up! So, ilan ang nakuha niyong tickets?"

"27"  sabi ko.

"26" sabi ni bes.

"20" sabi ni Crisha

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon