21st Chapter

719K 16.6K 2.7K
                                    


Chapter 21

Andito na ako sa school ko. Salamat sa Diyos, hindi ko nakasalubong si Andy pagpasok ko kanina. Todo effort ako para pumasok ng maaga para hindi magtagpo ang landas namin. Kasi naman, bakit ba kinakabahan ako? Hindi naman siguro ako re-rapin ni Andy 'di ba? Alam kong gusto niyo mangyari 'yun. Well, siguro naman hindi niya ako pipilitin, kung ayaw ko, 'di ba? Eh paano kung ma-tempt ako? After all, tempting naman talaga si Andy eh.

Too much thinking. Hindi na ako makapagconcentrate sa Statistics. Bahala na, magse-self study na lang ako. Kaya naman, nagpass na lang ako ng note kay Sara.

"Psst!"

Then tumingin siya sa'kin with her 'what the fvck' look.

"Bakit hindi ka nakikinig sa lesson, Ms. Dean's Lister?" Sara asked.

"Don't act as if you're listening to what she's saying. I won't buy that act," I replied. Kunwari pa 'tong model student!

"Fine. Then what do you need? May pa-note-note ka pang nalalaman. So baduy."

"Mamaya na yung second kissing lesson namin ni Andy..." I worriedly said. "Hindi naman sa kinakabahan ako. Kaya lang, sa condo ko kasi gaganapin yung lesson."

Kinunutan niya ako ng noo. "Ano naman kung sa condo mo? It's not as if kahiya-hiya yung condo mo. Hello? One of the best kaya 'yun."

I sighed. "That's not the problem. Sound proof yung condo ko eh..."

"So? Come on, skip the intros and tell what's the real deal," she said, impatient. "'Di ba nga kaya mo kinuha yung service nila kasi you need to be a good kisser tapos palagi kang kinakabahan. Baliw ka ba?"

"What I mean is sound proof nga yung condo. What if bigla siyang sapian ng manyak na espirito at maisipan niyang lapastanganin ang katawan ko? Paano ako sisigaw? Walang makakarinig sa akin, for pete's sake!"

Natawa si Sara sa sinulat ko. Ang lakas nung tawa niya kaya tumingin yung Professor sa amin. Kaya tumahimik kami. Pero pinagpatuloy namin yung note passing namin, nasa back page na kami dahil napuno na yung front page.

"Will power, will power. Sana nga huwag akong biguin ng will power ko," I uttered to myself.

Binatukan ko siya. At doon na natapos ang kabanata ng pagsusulatan namin ni Sara. Enjoy 'yun gawin kapag nakakamatay sa kaboringan ang dini-discuss ng Prof niyo.

Matapos ang pagkahaba-habang oras. Uwian na! Which means one thing, kissing lesson na namin. Di pa ako prepared.

Dahil hindi talaga ako mapalagay, tatakas na lang ako. Tumungin ako sa paligid-ligid. No sign of Andy. Clear ang daan. Makakatakas na ako pauwi. Besides, hindi naman niya alam kung nasaan ang condo ko. Sasabihin ko na lang na nakalimutan ko.

Binilisan ko ang paglalakad. Alam kong si Andy 'yun. Kunwari hindi ko siya kakilala. Binggo! Binaba niya yung salamin ng sasakyan niya.

"Psst. Psst"

Binilisan ko pa ang paglalakad. Deadma is the name of the game, oh come on.

"Hoy, Dana!"

"Ako ba kausap mo?"I asked, innocently.

"Hindi, hindi. Yung puno yung kausap ko," pamimilosopo niya.

"Ah ganun ba? Sige mag-usap na kayo nung puno. Mauna na ako," I said.

"Dana, sabihin mo kung ayaw mong umattend ng kissing lesson natin. Hindi 'yung umiiwas ka" he told me.

"Anong kissing lesson?" pa-inosente kong tanong.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon