22nd Chapter

723K 16.4K 4.9K
                                    

Chapter 22

Hay buhay. Kahapon lang katatapos ng pangalawang tangkang panghahalay sa akin kissing lesson namin ni Andy. Ano pa nga ba ang masasabi ko? Eh 'di muntik muntikan na talagang maging ninang si Sara. Ibang klase na talaga ang panahon ngayon, babae na ang nagpipigil. Kamusta naman 'yun 'di ba?

Papasok na ako ng school, as usual. Kung itatanong niyo kung ano ang suot ko, naka-TURTLE NECK lang naman ako! Kung itatanong niyo ulit kung bakit, ang magaling kasi na si Andy, sukat akalain ba namang lagyan ako ng hickeys sa leeg? Kung hindi pa ako tumingin sa salamin kanina, hindi ko pa mapapansin na may naiwang bakas ng kahalayan si Andy sa katawan ko.

Kaya naman nagtataka siguro ang mga tao kung bakit naka-turtle neck ako kahit ang init-init ng panahon sa Pilipinas. Bahala sila, basta ako'y nagtatago lamang ng bakas ng kahalayan.

Nakarating na din ako sa room. Kinakabahan ako ngayong araw kasi... Kaklase ko lang naman si Ynna sa subject na ito. Kaya I hate Thursday eh.

Speaking of the devil...

"Tignan mo nga naman, umagang-umaga, nakakita na agad ako ng pangit," Ynna said.

"Bakit? May salamin ba dito?" I asked her.

"Yeah b1tch. Hindi porket boyfriend mo na si Andy eh magtitimpi ako sa'yo. For your info, mas sikat si Jarred kaysa sa kanya," she told me.

"Talaga? Eh sino ba ang nanalo nung Mr. SC? Hindi ba si Andy? At si Jarred ano? Ni hindi man lang umabot sa top 5. Yan ba ang pinagmamalaki mo?" I boastfully said.

"Sige, panalo ka ngayon. Pero tandaan mo, oras na makahanap ako ng ebidensya na user ka, you're one dead meat Dana Ferrer," pagbabanta niya sa'kin.

"I'll wait for that, Ynna Henares. By the way, may krisis ba ng tela ngayon? Kulang na lang maghubad ka. Sabihin mo sa akin kung wala ka ng pambili ng damit, bibigyan kita, designer ang mommy ko. Mind you, desiner's label ang ibibigay ko sa'yo. Mapagbigay naman ako sa mga nangangailangan eh. Kita mo, kailangan mo ng boyfriend dati, ibinigay ko sa Jarred, ngayon namang kailangan mo ng damit, I'm just one call away," I told her.

At nagwalk out si Ynna. Talo naman pala yun eh. Pasalamat siya at hanggang sa salita lang ako marunong manakit, hindi ako brutal kagaya niya. Nasabi ko pa tuloy na designer ang mommy ko. Secret ko kaya yun. Sana hindi niya mapansin, besides, mahina naman ang utak niya eh. Mahina na nga ang utak, malakas pa ang loob na magcutting. Buhay nga naman.

Natapos din ang nakakaboring na araw na ito. Nag-enjoy naman ako dahil unang una, hindi pumasok si Ynna sa klase. Pangalawa, walang nakapansin na weird ang suot ko, pangatlo, hindi pa nagtatagpo ang landas namin ni Andy.

Oh baka nagkakamali lang ako...

"Hey, bakit huminto ka? Alam ko namang gwapo ako, 'wag ka ng nasa-starstruck sa akin," Andy said.

"Ang kapal talaga ng apog mo tsong. Ayaw lang talaga kitang makita kaya nagulat ako nung nakita kita," sabi ko sa kanya.

"Psh. As if. Kagabi nga halos rapin mo ako eh."

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka na nahiya, nandiyan pa man din si Dave at Cyriel kung anu-anong kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo," sinabi ko sa kanya.

"Ano ka ba, okay lang, Dana. Sanay na kami diyan kay Andy. Huwag kang mahiya," Dave said.

As usual, napakareserved talaga ni Dave. Tinignan ko naman si Cyriel, parang wala lang, yung mukha niya ay merong "I'm fvcking bored" look.

"Hi Cyriel" Ayan, ako na 'yung nag-initiate na makipag-usap sa kanya, sana naman makakuha ako ng response.

At tenenenen. Tinanguan ako. Napakagandang response naman nu'n. Pero mas mabuti na 'yun kaysa sa wala. Dati-rati kasi, hindi man lang ako pinapansin, improving na.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon