23rd Chapter

659K 15.9K 2.3K
                                    

Chapter 23

October 29, 2***

Birthday ngayon ni Andy, akalain mo nga naman, nagbi-birthday pala ang kumag na iyon? Kung nacu-curious naman kayo sa binili kong regalo kahapon na naging dahilan ng pagsusungit ni Cyriel sa akin, pwes, mamaya ko na sasabihin.

Umaga pa pala ngayon, mamaya pang 8 yung start ng birthday party ni Andy. Speaking of his birthday party, hindi ko pa pala nasasabi kay Sara na isasama ko siya. Magagalit sa'kin 'yun.

calling... BestySara

"Hello?" she greeted.

"Sara," I started. "Punta tayo sa party ni Andy ha? 8 p.m. magsisimula. Daanan na lang kita or kita na lang tayo sa venue?" I asked.

"Teka, teka, anong party ba 'yang sinasabi mo? Parang wala naman akong naaalalang nag-invite sa akin ah?" she said.

"Kaya ko nga sinasabi 'di ba?" I told her.

"Naguguluhan pa din ako. Kanino bang party 'yung pupuntahan natin, at saka, invited ba talaga ako?" she questioned.

"Birthday ni Andy kaya may party, sa bar ni Dave gaganapin, and, yes, invited ka, sinabi ko na sa kanila kahapon na isasama kita," I said, clarifying things. "Any questions?" I added.

"Okay. Pero last na, pwede ko bang isama si Archie?"

"Oo na. Isama mo na. Kawawa naman ako, syempre kasama mo 'yung boyfriend mo. Maiiwan na naman akong mag-isa, mukha na naman akong tanga mamaya."

"Ang drama huh. Anong silbi ni Andy? Kaya ko nga isasama si Archie para lumayo-layo ka naman sa akin at ng magkaroon kayo ng quality time niyang si Andy."

"Feeling ko naman ibinebenta mo ako."

"Napaka-emo mo talaga. Bakit naman kita ibebenta? Ibubugaw lang," she clarified.

"Mas lumala pa. Sige na. So mag-isa na lang akong pupunta dun kasi for sure susunduin ka ng boyfriend mo at ayoko namang maging saksi sa kahalayan niyo sa loob ng sasakyan."

"Hahaha. Kilalang-kilala mo na talaga ako. O sige. Kita-kita na lang. Text mo na lang sa akin yung address ng bar," she said.

"Sige, bye," pagpapaalam ko.

Ayun, binaba na ni Sara. Grabe talaga yung babaeng 'yun. Siguro nung pinagbubuntis siya ng nanay niya, nanonood ng porn movies 'yun. Kasi naman, napakahalay ng babaeng 'yun. Pero kahit ganun 'yun, mahal ko 'yun.

Late na pala akong nagising, ngayon ko lang napansin. Past 2 na ako nagising. Kasi naman, bakit hindi ako makatulog kagabi? Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa party. Pati kung paano ko ibibigay yung regalo ko kay Andy. First time ko kasing magbibigay ng regalo sa lalaki eh. Kasi naman, dapat bibigyan ko si Jarred ng regalo 'pag nag-first monthsary kami kaya lang, hindi naman kami umabot doon. Tama na, baka maging bitter na naman ako.

At dahil matagal-tagal pa pala bago ang party ni Andy, manonood muna ako ng Vampire Diaries. Pagpapantasyahan ko muna si Stefan Salvatore.

Tae. Bakit ba ang hot hot niya?

*Ding Dong*

"Aish, istorbo naman 'to oh. Bubuksan na nga, sandali lang."

"Sino sila?--- Jarred?"

"Dana, bakit parang gulat na gulat ka?"

"Ah eh, hindi naman sa ganun, ano ba ang kailangan mo?" I asked.

"Bakit ganyan ka naman makapagtanong? Parang hindi ako welcome dito sa unit mo ah. Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" he asked.

"Wala akong time para makipaglokohan, Jarred," I told him. "Tell me, ano bang kailangan mo sa akin?"

"Ikaw, ikaw ang kailangan ko," he answered.

And with that, he kissed me...

Nandito pa rin kami sa labas ng unit ko. He pinned me on the wall. He's kissing me aggressively. Hinahalikan niya ako na para bang walang bukas. I can taste blood inside my mouth. Dumudugo na 'yung labi ko because he's using too much force.

Hindi ba dapat masaya ako? Eto naman talaga 'yung dahilan kung bakit ako kumuha ng kissing instructor 'di ba? Para mapatunayan ko kay Jarred na kaya ko din. Na kung ano 'yung kayang ibigay ni Ynna sa kanya, kaya ko ding ibigay sa kanya. Pero bakit it feels so wrong?

Alam ko mali 'yung gagawin ko pero, hahalikan ko din siya. From the start, heto naman talaga 'yung purpose ng kissing lesson eh. So bakit hindi ko subukan? Alam ko nababaliw na ako, pero wala. Hindi ko na alam ang tama sa mali.

Nilagay ko yung kamay ko sa leeg niya. I'm now clinging unto him. 'Yung kamay naman niya, nasa waist ko pa rin. But then, pababa ng pababa 'yung kamay niya hanggang nasa buttocks ko na 'yung kamay niya. He's enjoying what we're doing. Binuksan ko 'yung pinto at pumasok kami.

Nandito na kami ngayon sa sofa, nakahiga. Nakapatong ako kay Jarred at patuloy pa din kami sa paghahalikan. Napansin kong tinataas niya 'yung tshirt ko kaya naman pinigilan ko 'yung kamay niya at hinalikan ko siya ng mas malalim para mawala 'yung focus niya sa tshirt ko. On the other hand, binuksan ko isa-isa yung buttons ng polo niya. After 1 minute or so, natanggal na 'yung polo niya, he's now half-naked. Nagsawa na siguro siya sa lips ko kaya 'yung leeg ko naman 'yung hinahalikan niya. Habang nag-eenjoy siya sa leeg ko, tinatanggal ko naman 'yung jeans niya. Binggo! Natanggal ko na din.

Now, the scene is, si Jarred ay naka-boxers na lang habang ako ay kumpleto pa ang kasuotan. Now's the time.

Huminto na ako sa paghalik sa kanya. Hinabol naman ni Jarred yung labi ko. Kitang-kita sa mukha niya na nasarapan siya.

"Alis na," I said simply.

"What?!"

"I said go! Bingi ka ba o tanga lang?"

"Ano bang problema mo Dana?" he spat. "Nag-eenjoy ka din naman 'di ba? Come on, ituloy na natin 'to."

"Sino naman ang nagsabi sa iyo na nag-eenjoy ako?" I asked.

"Don't play hard to get. You kissed back," he reasoned.

"Yeah, I know I kissed you back. Gusto ko lang naman na malaman mo kung ano yung pinakawalan mo para sa isang babaeng kagaya ni Ynna."

"So gumaganti ka pala? Ano bang gusto mong gawin? Hiwalayan ko si Ynna? Tell me. Gagawin ko, bumalik ka lang sa akin."

"Sorry, Jarred. But it's little too late," I told him.

"Tangina. Ano ba kasi ang gusto mo?"

"Ang gusto ko, umalis ka na. Ngayon na! O baka naman gusto mong ipahuli pa kita sa security?"

"Tangina. Magbabayad ka sa akin. Makukuha din kita."

At lumabas na nga si Jarred. Tanga talaga yun, hindi ba niya naisip na naka-boxers lang siya? Hinagis ko sa kanya yung pants at polo niya.

"Oh naiwan mo. Ingat sa pag uwi." At kinidatan ko siya.

I feel so happy. Mukhang good vibes ako mamaya sa party ni Andy.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon