28th Chapter

628K 15K 2.2K
                                    

Chapter 28

Ngayon, masasabi ko na talagang it's all worth it. Alam mo yun? Pagkandami dami man ng pagdaanan kong hirap at pasakit, sa huli, matatagpuan ko din pala yung kasiyahan ko. At si Andy yun.

Yung nangyaring pag aaminan namin sa bar ay nangyari two weeks ago and I must say, gumaganda lalo ang relationship namin. Sweet na siya sakin. Niloloko niya pa rin ako. Oh well, nasasanay na ako. Hindi siya si Andy kung hindi niya ako babarahin.

Before I forgot, foundation day nga pala namin ngayon. Ayos. Free kami maghapon.

"Sweetheart, iniisip mo na naman ako," Andy said. 

"As if. Sawa na nga ako sa mukha mo eh," I replied.

He laughed. "Kailan pa naging nakakasawa ang gwapong mukha ko?"

"Grabe, may binalita ba kagabi na may paparating na bagyo? Ang lakas ng hangin eh."

"May bagyo nga daw. Bagyong Andy: ang pinaka gwapong bagyo"

I arched my brow. "Tatawa na ba ako?"

"Oo. Tatawa ka na," sabi niya tapos kiniliti niya ako.

"Andy!" I shrieked. "Tama na!"

Kung hindi niya itatanong, nandito kami sa field. At dahil nga foundation day namin ngayon, busy ang mga tao dito sa school kaya naman libre kaming maglandian.

Kinikiliti niya pa din ako hanggang sa nasa ibabaw ko na siya Tinitigan niya ako and said...
"I really like you, Dana..." And then we kissed, passionately

Bakit ganito yung feeling? Ang saya ko dahil at last, umamin si Andy sa feelings niya para sa akin. Pero bakit ganun? There's still something missing. Siguro dahil hindi niya pa nasasabi sa akin yung 3 words, 8 letters...

Mabilis lang natapos yung kiss. I was still very aware na nasa school grounds kami. Nakaka-hiya!

"Mahal mo ba ako?" I asked. 

I didn't know. It just came out out of nowhere

"I like you," he replied... but I was very doubtful. 

"How about love?"

"What's the difference between love and like? They're just the same. If you love someone, it means you like him or her and the same goes."

I chose not to answer. 

Masakit eh. 

Alam mo yun? Tagos.

"Sweetheart..."

Ayokong magsalita.

"May hate mails ka pa rin bang natatanggap?" he asked.

Tumango na lang ako. Ayoko talaga siyang kausapin.

"Gusto mo kausapin ko sila para tigilan ka na nila?"

Of course I do. 

Moron

Speaking of hate mails, simula nung may naglagay ng tarpaulin na yun, nakatanggap na ako ng mga hate mails. Sa locker ko, ym ko, sa unit ko, sa lahat ng networking sites na mayroon ako. Grabe. Lahat ng names na pwede nilang itawag sa akin, tinawag na nila.

"May pupuntahan lang ako," sabi ko pagkatapos kong tumayo at magpagpag ng damo sa pants ko.

"Samahan na kita?"

"Huwag na. May gagawin din ako eh. Tsaka baka magtagal ako dun, mainip ka pa."

I tried to smile. Sarcastically.

"Sige. Hatid na lang kita mamaya ha?"

"Sige."

Umalis na nga ako. Honestly, wala naman talaga akong pupuntahan eh. I just made reasons para makaalis. Nabadtrip kaya ako :| Ikaw? Matutuwa ka ba kapag ganun yung nakuha mong sagot pagtinanong mo yung isang lalaki kung mahal ka niya? Malamang maiinis ka. Gaano ba kasi kahirap sabihin yung salitang yun? I love you. Mahirap ba?

Ang tanga ko rin naman kasi eh. Pumayag ako na ganito ang set up namin. Hindi ko naman talaga siya boyfriend eh. Ang alam ng iba, kami. Pero ang totoo, walang kami. Hindi naman siya nagtatanong kung ano ba talaga kami. Masaya na siya sa set up namin. More than friends, but less than lovers Pseudo relationship, huh?

Naglakad lakad na lang ako hanggang sa makarating ako dito. Naalala ko yung lugar na 'to. Dito ginamot ni Cyriel yung sugat ko..

Naghahanap ako ng mauupuan ng makita ko si Cyriel..

"Cyriel."

Tinanguan niya lang ako.

"Nag gigitara ka?"

Tinanguan niya ulit ako.

"Pwede mo ba akong tugtugan?"

"Anong kanta?" he asked. Wow. Sumagot siya.

"Ikaw. Kung ano nararamdaman mo ngayon, yun ang tutugin mo," sagot ko na lang. Ayoko naman na pilitin siyang tumugtog ng ayaw niya. 

Inaasahan kong tutugtugin ni Cyriel, mga emotional songs, yung mga pang senti. Kasi nga di ba, may pagka loner 'tong lalaking 'to. Kaso lang...

When he strummed his guitar and started singing.. My heart went pumping like crazy..

She rolls the window down And she talks over the sound

"Crazy for this girl? Kanino?" I asked, surprised when he chose that song of all the songs he could've played.

"It's for me to know, and for you to find out," he said... wow. Mysterious pa rin, ah.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon