29th Chapter

653K 14.3K 2.6K
                                    

Chapter 29

Masakit. Masakit talagang isipin na hindi pa ako sapat para sabihin niya sa akin yung mga salitang 'yun. Hindi pa sapat yung pinagdaanan namin. Siguro nga kasalanan ko din naman yun. Ako lang siguro yung mas nagmamahal sa aming dalawa. Pero hindi ako susuko, gagawin ko lahat para sabihin niya sa akin yung magic words na iyon...

Kaya naman may pina plano akong gawin para naman maramdaman niya na special siya talaga para sa akin. Kaya naman...

"Dave."

"Oh Dana, anong ginagawa mo dito? Di ba magkasama kayo ni Andy?"

"Ah. Si Andy ba? Iniwanan ko. Alam mo na. Kailan ko ng quality time with you."

He laughed. "Ikaw talaga. If i know, may kailangan ka sa kin, no?"

"Psychic ka?"

"Hindi naman. Madali ka lang kasing basahin eh."

"Ah. Sige na nga, since alam mo na rin namang may kailangan ako..Itatanong ko na 'to."

"Ano ba yung itatanong mo?"

"Uhm ano kasi... Tungkol kay Andy..."

"Ano'ng tungkol kay Andy? Bakit hindi na lang sa kanya mo itanong?"

"Eh hindi na surprise yun pag sa kanya ko tinanong."

"Ano ba kasi yun? Nacu curious tuloy ako."

"Ano kasi.. Ano ang favorite color ni Andy?"

"Blue."

"Favorite food?"

"Kahit ano. Patay gutom yun eh," sabi niya tapos tumawa. 

"Grabe. Ganun talaga siya?"

"Hindi naman. Hindi naman kasi mapili yun eh. Basta masarap, okay na siya dun."

"Eh hindi pwede yun. Any food in particular?"

"Ah... Alam ko mahilig siya sa baked mac."

"Sige, yun na lang iluluto ko."

"Iluluto mo para kay Andy?"

"Oo. Bakit? May masama ba dun?"

"Ahm. Kung pwede, lutuin mo na lahat, wag lang yun."

"Ha? Bakit naman? Kakasabi mo lang na favorite niya yun eh."

"Basta. Trust me, huwag mong lutuin yun, it might bring back her memories..."

"Ha? Anong sabi mo?"

"Basta. Kahit ano, huwag lang yun."

"Tss. Ayoko."

"Bahala ka. Basta, I warned you."

"Oo na. Alis na nga ako."

"Teka nga pala, bakit mo ipagluluto si Andy? Any occasion?"

"Wala naman. Kailangan ba may okasyon para ipagluto ko siya?"

"Bakit mo naman siya ipagluluto? Is there something going on between the two of you?"

"Wa- wala. Eto talaga oh. Malisyoso ka talaga." 

Good god. Puro kasinungalingan.

"Basta, Dana, I'm telling you, never try to break the contract. Ikaw din ang masasaktan."

"Oo naman."

I smiled. Pero deep inside, parang naniniwala ako sa sinasabi ni Dave na ako nga lang din ang masasaktan. Ngayon pa nga lang na hindi pa tuluyang nabe break yung contract, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kung ma break na? I wonder what will happen. Masasaktan nga kaya ako?

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon