Ikalabing-pitong Kabanata

2.6K 142 60
                                    



Byun Baekhyun.

"C-Chanyeol," his question got me startled. Hindi ba parang masyado pang maaga para sa bagay na iyon? Hindi ba't parang masyadong mabilis ang mga pangyayari? Ni hindi pa nga ako sigurado kung ano iyong nararamdaman ko para sa kanya at higit sa lahat hindi ko alam kung handa na ba ako sa mga ganitong bagay.

"Okay lang, Baek. Sabi ko naman na hindi kita mamadaliin diba? Kaya kong maghintay."

"Chanyeol, kasi ano. Hindi ba—"

"ㅡokay lang talaga, Baek."

-

-

Okay lang daw pero buong araw siyang kakaiba. Ni hindi niya nga ako kinukulit. Kakausapin lang niya ako kapag ako iyong mag-iinitiate ng usapan. Ni hindi nga rin kami sabay umuwi ngayon dahil bigla siyang nagpahatak sa mga babaeng humarang sa kanya sa corridor noong labasan na namin kanina.

"Nakakainis ka, Park Chanyeol!" Sinipa ko iyong nadaanan kong bato. Nakakainis kasi siya. Paano na lang kung pinayagan ko siyang manligaw? Tapos ganyan siya sa mga babaeng nagka-kandarapa sa kanya? Hahayaan niya lang akong umuwi mag-isa? Nakakainis diba?

"Ano na namang ginawa ko bakit ka naiinis sa akin?" Napapitlag ako nang biglang sumulpot sa tabi ko iyong sasakyan ni Chanyeol. Ngiting-ngiti niya pa akong tinitignan. "Bakit bigla ka na lang nawala bigla kanina, Baek?" Hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Siya naman mabagal na nagma-maneho sa gilid ng kalsada. Ang dami niyang tanong. Ni hindi man lang niya naisip na pasakayin ako sa sasakyan niya. "Baekhyun," this time talagang tumigil na ako sa paglalakad. Bumaba na kasi siya ng sasakyan at marahan akong hinawakan sa braso. "Bakit hindi mo ako pinapansin? Tinatanong kita. Nice talking ah."

"Wala nga kasi!" Napaatras siya noong bigla kong tinabig iyong kamay niya. Miski ako nagulat sa ginawa kong iyon. Out of sheer frustration lang naman ang nararamdaman ko kaya ako ganito. Naiinis kasi ako sa inakto niya kanina. Sabi niya okay lang daw sa kanya na maghintay, pero ganyan ba iyong naghihintay? Naghahanap ng ibang mapaglilibangan? Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Sa sobrang higpit ng yakap niya parang mapipiga na iyong katawan ko ngunit agad naman akong nakabawi sa pagkabigla at nagpumiglas pero to no avail, hindi ako makaalis sa bisig niya. "Let me go! Let me go!"

"Baek, ano ba kasing nagawa ko? Bakit iniiwasan mo na naman ako?"

"Wala nga sabi! Just let me go! Gusto ko ng umuwi!"

"Baek, sabi ko sayo 'wag mo na akong itutulak palayo diba? Hindi ba pagtulak itong ginagawa mo ngayon?" Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Tinutulak ko ba siya? Siya naman iyong gumagawa ng rason para itulak ko siya diba? Or masyado ko lang pinapairal iyong emotions ko? "Kanina lang ang ayos pa natin diba? Lagi na lang bang ganito? Hindi ba pwedeng break muna sa mga ganito? Kasi pagod pa rin ako, Baek. Hindi pa rin ako nakaka-recover."

Nanlambot naman ako sa sinabi niya. Isang selfless na tao si Chanyeol, lahat kaya niyang gawin para sa akin. At ako? Isa akong selfish na tao. Gahaman. Abusado. Lahat ng mga bagay na kayang isakripisyo ni Chanyeol, ako ang nakikinabang. Pero ako? May naisakripisyo na ba ako para sa kanya? Palagi ko siyang tinutulak. Tama naman siya eh.

"Baek, please naman. Tama na muna sa ganito. Ayaw kong lumayo sayo pero pinipilit mo ako. Kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan, sabihin mo sa akin. Kasi hindi kita maintindihan. Ipaintindi mo sa akin."

"N-nakakainis ka kasi," wala na. Kaunti na lang at tuluyan na talaga akong bibigay kay Chanyeol. Para sa akin, hindi ako deserving sa taong katulad niya. Pero para sa kanya, sigurado siyang ako iyong taong nararapat para sa kanya. "B-bigla kang nagbago kanina. H-hindi mo ako kinakausap. Tapos nagpahila ka pa sa mga babae na iyon paalis ng room. I-iniwanan mo ako. Kaya umuwi na lang ako."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon