Chapter 71

306K 8.2K 392
                                    

Chapter 71

Conquers all

Napagdesisyunan namin ni Calix na magpa-enlist na para sa second semester. Kaya naman nag punta kami sa Chandford University ngayong araw.

Pagdating namin doon, kaunti lang din ang mga estudyante kaya naman mabilis din kaming nakapag pa enlist.

"Nakaka miss yung bahay niyo, Cal." Out of the blue kong sabi habang nag lalakad na kami palabas.

"Yung bahay talaga? Hindi ako?" Hindi ko alam kung seryosong tanong iyon o biro lang niya...

"Syempre, ikaw din! Pati si Tita.. pati nga sila Yaya e." sabi ko.

Mag sasalita pa sana ako ngunit may isang matangkad na lalaki na tumambad sa harapan namin ni Calix.

"Abigail.." tawag nito. "Please... mag usap naman tayo."

Kumunot agad ang noo ko. Ano ba ang gusto niyang pag usapan namin?!

"Sinabi ko na sayo hindi ba? Wala tayong dapat pag usapan." sabi ko sa kanya.

Lalagpasan ko na sana ito pero hinawakan niya ang braso ko.

"Bitawan mo ako." agad kong tugon roon sa ikinilos niya.

"Mag usap tayo. Kahit saglit lang oh." pakiusap pa nito.

"Pwede ba, bitawan mo ako." I tried to shrugged his hands off mine pero ang higpit ng hawak niya.

"Pre, you heard her. Bitawan mo si Abigail, nasasaktan-" Hindi na natapos ni Calix ang sasabihin niya ng sinuntok na siya ni Apxfel.

Nagulat na lang ako ng biglang bumawi si Calix at sinuntok niya din si Apxfel sa may mukha nito.

"Stop it! Ano ba!" Pag awat ko sakanila pero tila wala silang naririnig at patuloy ang pag papaulan nila ng suntok at sapak sa isa't-isa.

"I said stop it! Tumigil na kayo. Tama na!!!" sigaw ko ng malakas.

And that made them stopped.

"Unbelievable." sabi ko at saka umalis na.

-

Pag uwi ko sa bahay, tinignan ko iyong phone ko. Nakita ko iyong dami ng messages at missed calls ni Calix sa'kin.

Hindi naman ako naka tiis at nag reply ako sa kanya.

I didn't like what you did.

Text ko rito.

I know. I'm sorry :( Mali ako.

Reply naman niya sa akin.

Nag palitan pa kami ng text messages. And it end up with him promising he won't do it again.


The next day, pumunta ulit ako ng Chandford para naman mag enroll. Hindi nakasama si Calix dahil may gagawin daw sila ngayon ni Tita Shar.

Nagulat na lang ako pagkalabas ko ng Accounting dahil bumungad sa akin si Bobbie.

"Frans." tawag niya.

"What do you want?" diretsong tanong ko rito.

"Five minutes." sagot niya.

Bahagya naman akong tumango.

Five minutes lang naman. Sige, pag bibigyan ko siya. I'll hear what she has to say. Whatever it is...

"Mahal ka niya, Frans. Mahal na mahal ka niya." panimula ni Bobbie. Ewan ko pero hindi ko magawang mag salita.
And what makes me wonder is the pain I heard in her voice.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon