9

55.1K 1.1K 37
                                    





Chapter 9





Isang linggo na rin yung lumipas simula ng makipagkaibigan saakin si Shane. Masasabi kong talaga namang gusto niya akong maging kaibigan dahil madalas na rin siyang mag open saakin tungkol sa family niya, lalong lalo na kapag tungkol sa Daddy niya.






Madalas pala silang mag away ng Daddy niya, marami silang hindi napagkakaunawaan. Hindi ko akalain na yung dating Shane na palaging tipid magsalita, ngayon madami ng sinasabi. Minsan nga siya pa yung nauunang makipag usap saakin.






Okay na rin sila ni Elle, sa katunayan kaming tatlo palagi ang magkakasama sa school. Minsan nagiging apat kami, kasi si Stan nakikigulo. Kagaya ngayon ang gulo gulo niya dito sa mall, hinihintay kasi namin si Syril. Ipapakilala ko sakanila.





"Hoy Stan! H'wag mo ngang guluhin si Abhie!" - sigaw ni Elle, dahil kanina pa ginugulo ni Stan yung buhok ko! Nakakainis nga eh, ako lang yung pinagtitripan niya!






"Bakit? Haha. Buti nga hinahawakan ko yung buhok ni Abhie. Ang ganda kasi." - pang aasar ni Stan! Anong maganda sa buhok ko? Mejo wavy nga yan dahil palaging nakaipit! Ngayon lang kaya ako naglugay!






"Tigilan mo si Abhie." - napatingin ako kay Shane ng seryosong magsalita, pati si Stan napatigil. Si Elle naman parang tangang nakangiti.






"Wow pare. Pinagtatanggol mo na ngayon si Abhie?!" - parang amaze na amaze si Stan!





Magkadikit nanaman yung kilay ni Shane.





"Ano naman ngayon?" - iritadong sagot ni Shane, nagulat pa ako ng hilahin ako ni Shane sa kamay para dun ako tumayo sa tabi niya.





"Woa.woa. Hilahan ba 'to? Lika nga dito Elle, tayo nalang partner." - sabi ni Stan saka hinila si Stan sa tabi niya, inakbayan niya pa 'to. Tinanggal naman ni Elle yon.





"ABHIE!!" - napalingon kaming lahat ng may sumigaw! Si Syril!





"Syril!" - hapong hapon siya pagkalapit na pagkalapit saamin.





"Naku, pasensya na kayo ha? Traffic kasi! Hello! I'm Syril." - pakilala niya.





"Elle." - pakilala ni Elle saka nilahad yung kamay niya, ganun din si Stan.





Tinignan ko si Shane. Siniko ko siya.




"Si Syril." - bulong ko.




"Oh?" - matipid na sagot niya, anong klaseng tao ba 'to?




Tinignan din ni Elle si Shane, naalala ko hindi pala basta basta nakikipag kilala si Shane kung kani-kanino.





"Kaibigan ko si Syril." - bulong ko.. Narinig kong huminga muna siya ng malalim.





"Shane." - matipid na sabi niya, at kahit labag sa loob niya nakipagkamay siya kay Syril.





"Hello, ikaw pala si Shane. So ikaw si Mons--" - hinampas ko si Syril! Pinanlakihan ko rin siya ng mata, kinukwento ko kasi sakanya si Shane!





Napatingin ako ng marinig kong tumawa si Shane ng medyo malakas. Maging sila Stan hindi makapaniwala. Minsan lang kasi tumawa ng malakas yan si Shane eh.





"Anong nakakatawa?!" - tanong ko sakanya.





"Wala." - sabay nginitian niya ako! Nanlaki ang mata ko, Shane Briones napapadalas ang pagngiti at pagtawa ng walang dahilan.





"Nakakatawa siya ha? Tara na." - sabi ni Syril, hinila ni Elle si Sy (Xai) , tapos si Stan naman hawak hawak ni Elle sa dulo ng tshirt para bang ayaw nilang lumapit saamin ni Shane!





Bahala sila, alam ko na yung pinaplano ni Elle, gusto niya raw na magsolo kami ni Shane. Para siyang baliw.





Napatigil ako ng may nakita akong maliit na display ng snowman sa isang ice cream parlor. Parang yun yung pinakalogo ng ice cream parlor.




"Guys ice cream tayo!" - sabi ko.





Sumunod naman sila saakin. Bigla ko kasing naalala si Mr.Snowman, asan na kaya yon? Gusto kong ikwento sakanya na kaibigan ko na ngayon ang crush ko!





Bumili na kami ng ice cream.





"Ma'am! May free po kaming snowman na stuff toy.. Nakaworth 500 pesos po kasi kayo. Opening palang po namin ngayon." - nakangiting sabi ng isang babae.




____________





ELLE'S P.O.V





"Ma'am! May free po kaming snowman na stuff toy.. Nakaworth 500 pesos po kasi kayo. Opening palang po namin ngayon." - nakangiting sabi ng isang babae. Napatingin ako kay Shane, nakatingin lang siya kay Abhie at parang ayaw niyang makuha ni Abhie yung free na snowman.





"Talaga?!" - excited na sabi ni Abhie.





Tumango yung babae at kinuha yung snowman na stuff toy at ibinigay yon kay Abhie. Para namang tuwang tuwa si Abhie ng makuha yon!





"Hala ang cute cute.. Hello Mr.Snowman!!" - masayang sabi ni Abhie.. Para namang nanigas si Shane sa kinatatayuan niya, ibinato niya yung ice cream na hawak niya dun sa basurahan sa may tabi niya.





"Bullsht." - bulong ni Shane, saka lumabas ng ice cream parlor. Para namang hindi siya narinig nila Abhie dahil nilalaro nila yung snowman.





"Guys! Sandali lang ha?" - paalam ko sakanila saka sinundan si Shane.





Ang bilis niyang maglakad kaya naman tumakbo ako para maabutan ko siya! Hinila ko ang kamay niya.





"Elle ano ba?!!" - iritadong sigaw niya.





"Saan ka pupunta?!" - sigaw ko sakanya! Kitang kita ko sa mukha niya na naiinis siya.





"Look Elle, kapag kasama ko siya masaya ako! Pero dammit! Nagsisinungaling ako sakanya!" - sigaw niya! Pinagtitinginan kami dito sa mall. Ngumiti ako sa mga dumadaan at nagsorry ako. Hinila ko si Shane dun sa gilid.





"Shane, hindi ka nanaman si Mr.Snowman diba?!! Ikaw na si Shane! Ikaw si Shane na kilala ni Abhie! Hindi ikaw si Mr.Snowman na kilala niya." - sabi ko. Kumunot nanaman ang noo niya.





"Kahit saang anggulo mo tignan, sinungaling pa rin ako Elle!" - sigaw niya! Aba sinisigawan nanaman ako nitong adik na 'to.




"Aminin mo kay Abhie yung totoo kung nakukonsensya ka!!" - sigaw ko sakanya, tinignan niya ako ng masama!





"See? Hindi mo kaya. Kasi alam mong lalayuan ka niya kapag nalaman niyang ikaw si Mr.Snowman na may gusto sa sariling kapatid niya!" - sigaw ko! Yeah kailangang isampal sa pagmumukha niya yon! Hindi niya maamin kay Abhie dahil natatakot siyang layuan ni Abhie!






"Hindi ka pwedeng basta nalang umalis Shane. Naghihintay sila, kaya halika na." - sigaw ko sakanya saka hinila ko na siya pabalik sa ice cream parlor.





Masaya pa rin si Abhie. Tumabi si Shane kay Abhie.





"Ang cute niya noh Shane?" - sabi ni Abhie.





Hindi sumagot si Shane. Bago pa sumabog sa konsensya si Shane binasag ko na yung katahimikan.





"Guys! Bakit hindi tayo magquantum?" - suhestiyon ko!





"Thank you so much Elle! Kanina pa ako nababagot sa kaka.Mr.Snowman nitong si Abhie." - naiinis na sabi ni Stan saka tumayo.





Nagtawanan naman sila Syril, tumayo na rin sila. Buti nalang tapos na silang kumain ng ice cream. Hinila ko ulit si Syril at Stan.





"Bakit ba? Magjowa ba sila?" - ang bakla talaga magsalita nitong Syril na 'to hahaha.





"Bagay sila diba?" - sabi ko.




"Hindi sila bagay." - sabi ni Stan.





"KJ ka talaga Stan!" - sigaw ko.





"Kami ang bagay ni Abhie."





Natigilan ako!





"May gusto ka kay Abhie?!!" - sigaw naming dalawa ni Syril! Kaya ba niya palaging inaasar si Abhie kasi may gusto siya dito?! Okay masyado ng paulit ulit.





"Ano?! Wala ah. Joke lang yon. Syempre, trip ko lang inisin si Abhie, ikaw naman pinapalayo mo ako sakanya. Ikaw nalang ang aasarin ko." - boring na sabi ni Stan.




"Kaya lang hindi ka pikon eh. Si Abhie ang bilis mapikon. Ang cute niyang mapikon."





Nanlaki ang mata ko. Nagkatinginan kami ni Syril at umiling iling kami. Oh my ghad.. Hindi daw niya gusto si Abhie, pero nacu-cutan siya.




__________




ABHIE'S P.O.V





Parang badtrip kanina si Shane, pero ngayon parang okay na ulit siya. Grabe yung moods swing niya ha?




Enjoy naman yung pag gagala namin kanina sa mall. Naglaro kami sa quantum, kumain ng ice cream, kumain sa fast food, nanggulo si Stan.





Nagchismisan si Elle at Syril, ayaw nga nila akong isali itinutulak nila ako kay Shane. Pero okay lang hihihi. Nagroon pa ako ng free snow man!





Naglalakad na kami ngayon papuntang park dito sa subdivision namin, nagcommute lang kami ni Shane. Sabi ko kasi sakanya h'wag siyang magdadala ng kotse. Sinabi ko yon para makatabi ko ulit siya sa jeep! Haha.





Pagdating namin sa park nagharutan sila Stan dun sa may swing. Si Shane naman katabi ko lang.





"Abhie." - napatingin ako sakanya, grabe kapag tinatawag niya ako kinikilig ako kasi yung boses niya ang ganda ganda.





"May sasabihin ako sayo.." - lumunok muna siya bago nagsalita.




"Ano yon?"




Napansin kong parang kinakabahan siya.





"Ako..ako si--"





Tumigil siya. At nahilamos niya yung palad niya sa mukha niya.




"Ikaw? Ano? Hindi ko maintindihan Shane."





"Aish! Nevermind!" - sigaw niya!





Napakunot ang noo ko. Nag away nanaman ba sila ng Daddy niya? Hinawakan ko yung likod niya. Napatingin siya saakin, madalas kong hinihimas yung likod ni Shane sa tuwing napapansin kong naguguluhan siya saka pag napapansin kong natatakot yung mga mata niya.





Kagaya ngayon kahit hindi niya sabihin saakin, pansin ko sa mata niyang natatakot siya. Siguro para sa iba masungit at suplado siya. Pero para saakin, si Shane, simple lang naman siya eh. May mga bagay rin siyang kinatatakutan. At may mga bagay rin na mabilis makapagpasaya sakanya.





Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang kamay ko at niyakap niya ako. Narinig kong nagsigawan sila Syril, pero unti unting nawawala sa pandinig ko yung sigawan nila dahil ang tanging naririnig ko nalang ngayon yung maingay na pagtibok ng puso ko. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya saakin.





"I'm sorry Abhie.. Ayokong layuan mo ako.. Sorry.."




****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon