~7~ Tupperware

278K 9.3K 1.4K
                                    



~7~ TUPPERWARE



DUSTIN'S POV



-


FROM: Thunder


Bro, have you received the invitation I sent to you? I'm expecting you to be at my photo exhibit on Thursday night. :)


-




"Sh*t..." I cursed under my breath. Hininto ko muna saglit ang trendmill saka ko napahilamos ang palad sa mukha ko.


"Oy, ayos ka lang, Dustpan?"


Tinignan ko lang si Wayne sa kaliwa ko. Patuloy pa rin siya sa pagtetrendmill. Every Sunday and Wednesday kami kung magpunta sa gym na ito. Unlike me, Wayne used to prefer to jog outside. Ayaw na ayaw ko naman na mag-jog sa labas kasi pakiramdam ko, para kaming alien kung pagtinginan ng mga tao. =__=


"No," I said to him and then I pressed something on the trendmill he's using to make it stop. Huminto naman siya sa pagtakbo sabay tingin niya sa akin. "I need a date, Waynepot. May irerecommend ka ba? Baka may kapatid yang girlfriend mo." =___=


Napanguso naman siya. Nasabi ko na ba sa inyo na mahilig magpacute itong best bud ko? Hindi naman intentional yang pagpapacute niya pero dahil dyan, nakakaattract siya ng mga babae.


"Wala akong girlfriend ngayon." :3


"Tsk. Anong gagawin ko? Hindi pwedeng wala akong kasamang date. Lakas pa namang mang-alaska yung gunggong na yun."


"Ha? Sino?"


I ran my fingers to my hair, "Si Thunder. May photo exhibit siya sa Thursday."




Thunder is my step-brother. Dad married his mom when I was in grade six. Wala naman akong masasabing masama tungkol kay Tita Merced dahil napakabait niya. Tinuturing na rin niya ako bilang tunay na anak niya. Yun nga lang, may anak din siya at iyon ay si Thunder. Isa yung epal sa buhay ko. Mabait naman yun pero sobrang yabang naman. Malakas pang mang-asar. He's a professional photographer at the age of 22. =_______=




"Luh, si Thunder?? Tepok ka dyan, man!" Nag-lagot gesture pa sa akin si Wayne kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.


"Hindi nalang ako pupunta. Wala namang kwenta yun." =__=


Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon