MPML Book 2 (10)

3.5K 83 5
                                    

3 hours earlier

Ria's POV

Mahal ko si Marcus, noon pa. Nung highschool ko sya unang napansin na kahit pala-away at barumbado, nagustuhan ko sya. Siguro dahil ganun ang mga tipo ko sa lalaki, gusto ko ng mabait oo pero hindi naman yung sobrang bait na maihahalintulad mo na sa santo. Gusto ko yung medyo badboy na tipong ako yung babaeng makakapagpabago sakanya.

Dininig ni Lord yung gusto ko. Nakilala ko si Marcus, na kahit tagagawa lang ako ng mga schoolworks nya, ok lang. Atleast ako lang yung nagiisang babaeng nakakalapit sakanya at nakakausap sya. Kahit na ganun ang trato nya sakin, tawagin nya kong, "She's nobody, dude."

Oo, narinig ko yung sinabi nyang yun kay Steven. Nagtatago ako nun sa pader pagkababa nya pero hindi nila ako nakita. Masakit masabihan ng 'Nobody'. Kung OA lang siguro ako, sasabihin ko ng mamamatay na ko sa sakit eh.

Pero hindi. Hindi ako OA, oo iyakin ako pero hindi ako ganun magreact. Ako yung tipo ng tao na kahit nasasaktan, magmukhang tanga basta para kay Marcus, ok lang.

Mahal ko nga kasi. Hindi ko sya gusto, hindi ko sya crush, kundi MAHAL ko sya. MAHAL. Magkaiba yun! Yun ang hindi maintindihan ni Mommy.

"Ria, ano yung nababalitaan ko sa school na palagi kang kasama ni Marcus? Hindi ba't pinagsabihan na kita na layuan mo ang lalaking yun?!"

Nakasandal lang ako sa higaan ko habang nagcecellphone. Hindi ko sya iniintindi ng bigla nyang hablutin yung phone ko.

"MA!"

"Ilang beses ba kitang pagsasabihan para makinig ka?"

"Ma, magkaibigan kami ni Marcus. Ano bang masama dun?" Paliwanag ko.

"Oo kaibigan ang turing mo sakanya pero ang turing nya sayo? Wala! Alalay ang turing nya sayo. Next sem, ililipat na kita ng school."

Lumabas ng kwarto ko si Mama pero sa sinabi nya, sinundan ko sya agad.

"Ma! Ayoko lumipat ng school!"

"Hindi ko hinihingi permiso mo, Ria." Bumababa na sya ng hagdan pero sinusundan ko parin sya.

"AYOKO! Hindi nyo ko mapipilit sa ayaw ko!"

Biglang humarap sakin si Mama.

"Hindi ikaw ang masusunod dito, Ria!"

"Bakit kayo bang mag-aaral? Diba ako?!"

Sinasagot ko na si Mama. Hindi ko gustong sagutin sya pero hindi nya talaga ako mapipilit na lumipat ng school. Hindi nya ko mailalayo kay Marcus.

"Tingnan mo yang tabas ng dila mo, Ria. Naririnig mo ba sarili mo? Nagkakaganyan ka ng dahil sa Marcus na yan!"

"Ma, please. Maayos ang grades ko, top ako palagi sa lahat ng subjects, at malamang valedictorian na naman ako this year. Nagiging mabuting anak ako sainyo, lahat ng gusto nyo ginagawa ko. Ano ba naman yung gusto ko naman ang intindihin nyo?!"

Nakatingin sya sa mga mata ko, alam kong galit sya pero mas magagalit ako sakanya pag hindi nya ko pinagbigyan.

"Next sem, ililipat kita ng school sa ayaw at sa gusto mo, Ria."

Yun na yung huling sinabi nya at tuluyan na syang bumaba ng hagdan.

Wala kong magawa kundi magdabog paakyat ng kwarto ko. Padabog kong binagsak yung pinto at nilock yun. Inis na inis ako sa nanay ko, sigaw ako ng sigaw sa loob ng kwarto ko para mailabas yung galit ko ng biglang umilaw yung laptop ko.

*1 email received*

Huminahon ako at binasa yung email na nareceived ko. Invitation sya para sa party ng mga Astrid. May list ng mga popular student na pupunta at isa dun ang miyembro nila Marcus na sila Steven, Mitch at Flyn. Or as we call them "The big 4". Sila ang Heartrob sweethearts ng campus. Astigin, maporma, gwapo, lahat nasa kanila na. Kaya naman hindi na maitatanong kung invited sila sa Party ni Tanya.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon