CHAPTER 172

3.6M 82.4K 230K
                                    

CHAPTER 172

MAX'S POV

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nababagabag ako. Iba ang paraan ng pagtingin sa 'kin ngayon ni Sensui. At alam kong may hindi siya sinasabi sa 'kin. Kakaiba na ang ikinilos niya magmula nang magpunta siya sa restroom nang nasa hotel kami. Kapani-panibago ang pananahimik at pagkakakunot ng kaniyang noo. At sa unang pagkakataon ay tinanggihan niya ang halik ko.

"Babe, please, stop crying," pakiusap niya. Hindi ko siya pinakinggan, malalim ang inisiip ko. Ako man ay matindi ang pagpipigil sa luha ngunit nagkukusa iyon sa pangingilid.

May ginawa sigurong kalokohan 'to. Iba talaga ang pakiramdam ko, at madalang magkamali ang mga kutob ko. Bukod do'n ay parang may lipstick siya sa labi. Napansin ko kanina ang kakaibang pamumula ng kaniyang labi. Malayo iyon sa natural. Wala rin sa mga kinain namin ang posibleng maging dahilan para mamula ang kaniyang bibig.

"Babe," niyakap niya ako sa baywang.

Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko siyang makita. Naiinis ako sa mukha niya.

Pakiramdam ko ay ang haba-haba na ng nguso ko at ang pangit-pangit ko na, bagay na ayaw na ayaw kong mangyari kapag nasa harap ko siya. Ayaw kong makikita niyang pangit ako o kung ano mang pintas na pwede niyang sabihin sa 'kin.

Nawawala ang angas mo, Maxpein.

Huminga ako nang malalim at pilit na nilabanan ang emosyon ko. Sinikap kong magmukhang natural ang aking ngiti. "I'll go ahead. I'm alright. I love you," hinalikan ko siya sa pisngi.

Hindi niya binitiwan ang kamay ko. "I really want you to stay, babe."

"Gusto ko rin naman," nag-iwas ako ng tingin.

"Then why are you leaving? Please stay for tonight."

Napabuntong-hininga ako. "Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi sa 'kin ng Chairman ninyo. Ayoko nang maulit 'yon." Bagaman hindi iyon ang tunay kong dahilan ay isa na rin 'yon. "Ihatid mo na lang ako labas."

"I'll take you home."

"Hanggang sa labas," pagmamatigas ko.

Lalo siyang nanlumo. Ang matamlay niyang mukha ay lumala. Ang mga balikat niya ay bumagsak. Natural na reaksyon niya 'yon at hindi ko 'yon matagalang makita.

Pinilit kong ngumiti saka nag-iwas ng tingin. "Hinihintay na rin siguro ako nina Naih," hiniling kong sana ay hindi niya mahalatang nagdadahilan na lang ako. "Maaga rin kaming aalis ni Heurt bukas."

"Alright. Please wait for me downstairs," malamig na ang tono niya. Hindi niya na rin ako sinulyapan, agad niya akong tinalikuran. Doon ko lalo gustong maiyak.

Ayaw niya na nga pala na paulit-ulit siyang tinatanggihan.Nanlulumo akong napangiti saka bumuga nang malalim na hangin. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. At maging ako ay hindi maintindihan ang aking sarili. What's wrong with me?

Bumaba ako at agad naman akong sinalubong ni Manang, wala na ang ibang tao.

"Manang, uuwi na ho ako," nakangiting paalam ko.

"Napakaaga naman? Hindi ka ba ihahatid ng nobyo mo, hija? Aba'y nasaan na ba ang batang iyon?"

"Ayos lang ho," nakangiti ko siyang hinawakan sa braso. "Kayo na lang ho ang magsabi kina Mr. and Mrs. Enrile. Sa susunod ho ulit, salamat."

Sumubok pang magsalita si manang pero tinalikuran ko na siya. Nagmadali akong umalis. Sobrang bilis. Hindi naging hadlang ang ilang metrong pagitan ng bahay nila sa gate ng village. Masiyado nga yata talaga akong mayabang dahil ultimong hakbang ko ay nakakabilib. Mabilis at malalaki ang agwat. Daig ko pa ang nakikipag-marathon sa lakaran.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon