Chapter 26

2.5K 145 87
                                    

Jodi Choi's POV

Sa kabila ng pagbabanta ni Angela kina Jackson, hindi sila natinag. Hindi naman talaga nagbabanta si Angela na kakalat yung tungkol sa pagkakidnap kay Jimin, bale parang reverse psychology lang yun. Sinabi niya lang yun sa representative ng JYP para matakot sila at mapaamin kung meron man silang dapat aminin. Pero wala. Wala kaming nakuha.

Nanatiling nakatago sa media ang nangyari. Masyadong confidential ang balitang ito at hindi kami papayag na basta na lang ito kakalat.

Apat na araw na mula noong nangyari yung pagkawala ni Jimin. Apat na araw na rin naming hinihintay ang resulta mula sa forensics team. Kadalasan, kapag kinakailangan talaga namin yung resulta, agad naman nila iyon naibibigay. Nakakapagtaka lang na mukhang natagalan ang team ngayon.

Pero nakakasigurado kami sa isang bagay. Hindi kay Jimin yung dugong nandoon.

Una naming inilahad sa kanila na i-check agad kung match ba yung dugong nasa sahig at kay Jimin pero negative raw. At nagtataka rin raw sila dahil may kakaiba sa mga dugong nakuha.

Napalingon kami lahat nang pumasok si Xander at Mikaela sa meeting room. Kasama rin namin yung chief na nag-assign sa amin ng kasong ito. Baka hindi ko pa nababanggit, isang kilalang senior inspector itong si Xander pero ibang kaso ang binigay sa kanya. Magmula noong nawala si Jimin, mukhang nawalan ng tiwala sa amin si chief inspector Song Jarred kaya sinali si Xander sa team namin. Seryoso lang ang mukha ng chief kaya intimidating siya tingnan.

Umupo si Mikaela sa tabi ko at dumiretso naman si Xander sa harap habang hinahanda ang kanyang powerpoint.

"Mas magandang tatawagin nating Bracelet Murder Case itong kasong 'to since isang silver bracelet lang rin naman ang naiiwang evidence lagi, hindi ba detectives?"

Tumango lang kami habang tinitignan namin ang mga larawang lumalabas sa presentation ni Xander.

"Akala namin isang simpleng bracelet lang ang mga ito pero habang pinag-aaralan namin ang mga bracelet, may nakita kaming nakaukit sa likod at ng mga ito," Hayag ni Xander at napangisi.

"And that is?" Singit ni Mikaela na mas lalong nakapagpalaki ng ngisi ni Xander.

"Unang bracelet na nakita natin ay yung nandoon sa crime scene ni Jeon Jungkook," Panimula niya at saka pinakita ang isang picture ng kwarto ni Jungkook, "Hindi agad mapapansin ang nakaukit pero kung titignan mo talaga ito ng mabuti, may makikita kang letters ng hangul."

Nang zinoom-in niya ito, doon ko na lamang napansin ang letrang nakaukit doon. "Ang nakaukit doon ay ang salitang '알'." (read as 'al') Tinitigan ko naman ng maigi ang nakaukit at oo nga, may nakasulat nga.

"Sunod naman naming tinignan ang bracelet na nahanap namin sa may kabaong ni Mrs. Channel Jeon at tulad ng inaasahan, may nakita kaming nakaukit," may pinakita ulit siyang picture at saka zinoom-in ito, "May nakaukit na '프'. (read as 'peu') Hindi na rin kami nagsayang ng oras at gano'n na rin ang ginawa namin sa nakitang bracelet sa crime scene ni Jullia at may nakita rin kaming mga letra. May nakaukit na '레'. (read as 'le' or 're') May nakuha ring silver bracelet sa kotse ni Mrs. Jeon noong sumabog ito pero walang nakaukit doon.  Hindi pa sigurado pero.." Napatingin siya kay Angela kaya ako rin ay napalingon sa kanya. Nang tingnan ko naman si Angela, maging siya ay nakatitig sa akin.

"Base sa mga nakuhang clue, kapag ipagdidikit-dikit natin ang mga letra, mabubuo natin ang salitang '알프레' o 'alfre'. Maaaring coincidence lang ito, pero malapit ito ang pangalan ng ama ni Detective Angela Jeon. Mr. Alfred Jeon. Hindi talaga gano'n kasigurado dahil kinukulang pa tayo ng letra pero malakas ang kutob ko na iyon talaga ang mabubuong pangalan. At hindi naman natin hahayaang may mamamatay pang Jeon para lang mabuo ang pangalan, hindi ba?"

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon