Kabanata 20

4.5K 99 0
                                    

Kabanata 20
Akin

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Suot kong muli ang itim na suit na gamit-gamit ko noong nakipaglaban. I stared at my eyes before putting my contact lenses. Hindi ko rin nauunawaan noong una kung bakit may ganito pero ng ipaliwanag naman na ni Papa alam kong ito ang makabubuti sa akin. I kinda miss my eyes. Next time I'll try not to put these lenses. Iyon ay kapag nasa bahay lamang ako. Para mapahinga naman ang mata ko sa palagiang pagsusuot nito.

Nang makita kong mag-aala-siete na ay hindi na ako nag-aksaya ng oras. Isang itim na sasakyan namin ang sumundo sa akin sa parking lot ng condo. Pagpasok sa sasakyan ay saka ko tinanggal ang mahabang jacket na suot bago lumabas ng condo. Isinuot ko na rin ang maskarang palatandaan sa akin.

Naalala ko ang nangyari kanina. Kaya ba nagmamadali si Rex? Malamang kasama siya sa meeting. Hindi puwedeng wala siya roon... He's the Dark world's Dark Prince.

Dalawang malalaking katawang lalaki ang humarang sa aming sasakyan pagdating sa malaking gate ng Gangster World o tinatawag na G.W. ang sikretong lugar para sa mga taong katulad namin.

Binuksan ng driver ko ang bintana at nagpakita ng isang card sa bantay. Nang makita niya ako ay agad itong tumungo at bumati.

"Saan ang meeting?" tanong ko.

"Dark Princess... Sa may secret d. room po."

Tumango ako.

Kinakabahan ako. Alam ko naman na galit sila sa amin ni Papa pero hindi ko alam kung bakit. Sobrang naguguluhan ako. Dapat nga na sila ang kamunghian ng maraming tao dahil pinatay nila ang mama ko.

Tumigilang ang sasakyan namin sa mala mansyong bahay. Nasabi sa akin noon na malawak ang loob nito at puro kuwarto lamang. Those who's part of this world can stay here. Ramdam pa rin ang bawat ranggo at kapangyarihan sapagkat ang mga nakatataas ay sa pinakaitaas na bahagi ng mansyon tumutuloy samantalang ang baguhan ay sa pinaka mga unang palapag lamang.

Binuksan ko ang pintuan ng backseat ng tumigil ang sasakyan namin roon. Isang lalaki at isang babae ang bumati ng makita ako. Sabay ang ginawa nilang pagtungo.

"We will bring you to s.d.r., Dark Princess," ani ng babae. Hindi ako sumagot at sinundan lamang sila.

We didn't go in to the stairs or elevators direction kaya't sa tingin ko ay narito lamang sa unang palapag ang kuwartong iyon.

Ilang minuto ang ginawa naming paglakad. Isang mahabang pasilyo na puno ng malalaking chandelier ang tinahak namin. Nang makarating sa dulong pasilyo tumigil sila sa paglalakad.

I was confused, at first. Dead end. Wala ng mga kuwarto rito at pader nalamang ang tanging kaharap namin.

Nilagay ng babae ang daliri niya sa bandang taas na bahagi ng pader. Ilang sandali pa ay parang isang mahika na unti-unting bumubukas ang nasa harapan namin. Bumungad sa akin ang isang kuwarto. A mixture of red and black room.

"Your finger Dark Princess," ani muli ng babae. Inabot ko ang kamay at matapos niyang pagpipindutin muli ang invisible na codes doon ay itinapat niya ang daliri ko sa pinagtapan niya rin ng kaniya kanina.

"You're now free to enter whenever you want. We will leave you now."

"Okay," simpleng sagot ko. Muling nag-bow ang dalawa sa harapan ko.

"100801," wika ng lalaking walang imik kanina bago sila tuluyang umalis.

What was that number for? 100801?

Pagpasok ko ay kusang sumarado iyon. The room was too huge. May isang pintuan roon na sa tingin ko ay ang kuwartong kinaroroonan nila ngayon.

Binuksan ko iyon at imbis na kuwarto ay isang hagdan pababa ang sumalubong sa akin. Stunned with the unexpected stairs it took me some time before finally going down.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon