Ikalabing-siyam na Kabanata

2.4K 135 43
                                    



Park Chanyeol.

"Baek? Bakit nakabusangot na naman iyang mukha mo?" Nandito pa rin kami sa hospital ngayon kasi baka bukas pa ako madi-discharge dahil kaylangan ko pang bawiin iyong lakas ko. At pagkagising na pagkagising ko isang nakabusangot na Baekhyun ang tumambad sa akin.

Pinaglalaruan niya lang iyong kamay ko na walang swero habang nakayuko. "Nagiging disaster na ba talaga ako sa buhay mo?"

"What? Of course, no! Iyan ba ang sinabi ni Yoora noona sayo?"

"Hindi ah! Naisip ko lang kasi na puro sakit na lang ng ulo iyong naidudulot ko sayo," kahit na nahihirapan pa akong kumilos at nanlalambot ako, pilit kong hinawakan iyong magkabilang pisngi niya at nagsimulang haplusin ang buong mukha niya gamit ang isa kong daliri. Isa sa mga ayaw ko sa ugali niya ay ang pagiging pessimistic. Nakakainis sobra.

"Hinding-hindi ka magiging sakit ng ulo sa akin, Baek. Oo, pasaway at pabebe ka pero kaya ko namang i-tolerate iyon, eh. Trust me, kahit na minsan ay nakakainis ka na, hinding-hindi ako magsasawa sayo. Everything you do makes me fall in love with you even more."

"Edi inamin mo rin na nakakainis ako! Pero thank you, Yeol. Ang swerte ko sayo."

"Sabi ko minsan diba? Anong mahirap intindihin doon? At saka I should be the one thanking you for making my life colorful, eventful, and challenging. My life was too dull and plain before you came. Thank you for giving me more reasons to keep going. And nope, I'm the lucky one here for having you beside me."

"Bakit naman? Hindi ka talaga nauubusan ng sweet words ano? May factory ka siguro niyan sa bibig mo."

"At hindi ka rin kumukupas sa pagiging panira ng moment, Baek. Try mo ring kiligin kahit minsan," akmang papaluin niya ako nang bigla kong hinarang iyong kamay ko na may swero. Grabe talaga siya, oh. Walang pinipiling lugar ang pagiging sadista. Kita ng may nararamdaman ako sasaktan pa ako ng pisikal. Haynako, Baekhyun.

"K-kinikilig ako! Hindi lang obvious!" Naparoll-eyes na lang ako dahil alam ko namang kinikilig talaga siya, nakakatuwa lang siyang asarin.

"Anyways, back to your question, I'm lucky to have you kasi sa dami ng nagpapatansiya at nagnanais na maging kaibigan mo, isa ako sa mga napili mong tanggapin sa buhay mo at sobrang swerte ko pa kasi pinayagan mo akong manligaw sayo. I mean, befriending the Untouchable B is too much but making him fall in love with me feels like I won the MVP award for a Basketball tournament," napangiti na lang siya sa sinabi ko at tahimik na kinilig, obvious na obvious kasi dahil sa sobrang nangangamatis iyong mukha niya kapag kinikilig siya.

-

-

Buong araw lang kaming nag-usap. Kahit inaantok ako at gusto kong magpahinga hindi ako natutulog kasi natatakot si Baekhyun mag-isa dito sa hospital. Bumalik na rin kasi kaagad si Yoora noona sa Maynilanoong nung siguradong ligtas na ako dahil tumakas lang daw siya sa opisina. Samantalang si Mama naman ay umuwi muna para kumukha ng gamit namin ni Baekhyun at magluto na rin ng makakain namin.

-

-

Mabilis namang lumipas ang araw at umayos na rin ang pakiramdam ko. Malapit ng matapos ang semester. Malapit na kaming bumalik ng Maynila. Kaya eto ako ngayon, abala sa pag-aayos ng plano namin ni Jimin. Yes, I'll make him mine today. Hindi naman dahil sa bilin sa akin ni Yoora noona, pero sapat na naman siguro iyong mga nagawa ko para mapa-oo ko si Baekhyun diba? Nauna akong pumasok kay Baekhyun ngayon. Monday kasi at may flag raising ceremony at katulong ko iyong principal dahil lagot siya sa may-ari ng school na ito kapag hindi niya ako pinayagan sa balak kong gawin.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon