Chapter 2

3.5K 142 33
                                    


Chapter 2 - Our Girl


Bukod sa maganda ang cafeteria, sobrang sarap din ng pagkain. Charlie will love it here.

And speaking of Charlie...

Muntik ko nang mahampas ang noo ko. Hindi ko pa siya narereply-an! Bwisit kasing sungit 'yon, sipain ba naman 'yung table kanina. Hinugot ko 'yung phone ko sa bulsa ng itim kong blazer. It's our uniform, napapalooban ito ng button down white long sleeves, at black and white na checkered skirt, at black shoes. It's cute, pero mas komportable pa rin ako sa dati kong uniform. Nakikita ko lang ang mga ganitong uniform sa anime.

Nag-reply ako kay Charlie. I tell her I'm still alive and breathing... so far.

I look up from my phone nang bigla na namang tumahimik ang buong cafeteria.

Pamilyar ang katahimikan na 'yon. I check my table again, wala namang star o pangalang naka-ukit dito so I guess I'm safe.

Papasok pala ang dalawang miyembro ng F7. Si Red Hair at si Brown Hair. Halos magkasing taas lang sila, ang hirap talaga isipin na si Red Hair ang pinakabata sa kanila. He looks so strong and muscly. Si Brown Hair naman sobrang amo ng mukha. Uniform lang ang suot niya, pero mukha siyang prinsipe.

Bwisit naman. Ang gaganda ng genes nila.

I remember their faces, all seven of them kahit saglit ko lang sila nakita kanina. To be honest, hindi naman madaling makalimutan ang mga mukha nila. Mukha silang mga celebrity. They don't look ordinary. They look like they're from the next level elite. Bukod sa mga pinagpala nilang mukha, sila lang din naman ang naiiba ang mga kulay ng buhok. All of us here are either black or brown ang buhok. Iyon lang kasi ang allowed na kulay dito sa Luxford.

Nahawi ang mga nakapila paglapit no'ng dalawa sa counter. In an instant nasa unahan na agad sila.

It made Brown Hair smile. "Thanks."

Halos maghugis puso naman ang mata ng mga babae sa cafeteria. 'Yung mga lalaki naman mixed emotions, may ilang hindi pumansin, pero kitang kita sa kanilang lahat ang paggalang sa dalawang miyembro ng F7.

Whoa, lalo tuloy akong na-curious. Royalties ba sila dito?

Marami silang inorder. I bet para sa kanilang pito 'yon.

On their way out, Red Hair looks around na para bang ramdam niya na may nagmamatiyag sa kanya. His eyes survey the whole cafeteria until our eyes met. The corners of his lips lift a little. He recognizes me. Pati si Brown Hair napatingin na sa'kin, maging siya ay napangiti ng bahagya.

Nasiyahan yata sila sa pagsuntok ko sa Orange Hair nilang kaibigan. I don't want to be rude, so I smile too. Sa gulat ko, they both smiled back bago tuluyang lumabas ng cafeteria. Nalipat tuloy sa akin ang tingin ng mga estudyante. Nagtataka ang mga mukha nila. Hindi pa ba sila nangingitian ng dalawang 'yon kahit minsan?

Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pagkain. The food here is just the best.

-

Afternoon classes go by in a blur. Hindi pa nagklase ang ibang teachers, first day na first day nga naman kasi. Bwisit nga lang dahil puro kami pakilala. Ako lang pala mostly, because I'm a new face. As I thought, sila-sila rin ang magkaka-klase last year.

Katulad kanina, Miles is all smiles, habang gano'n pa rin si Sungit. Mukhang galit pa rin sa mundo.

"Jacin and Aiden saw you Alisson, mag-isa ka lang daw sa caf kanina. Dapat sumabay ka na sa'min. It's sad to eat alone." nakangusong sabi ni Miles. Ang masasabi ko lang, sobrang cute niya. Ang sarap pisilin, kurutin at panggigilan ng pisngi niya.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon