MPML Book 2 (15)

3.7K 113 15
                                    


It's been a week ng nagaganap yung tutor session namin ni Medusa and I can tell that we've became more close than ever.

"Mr. Salvatore, stop throwing crumpled papers at me!"

"Sino ba kasing kachat nyo dyan? Tapos ko na sagutan lahat to oh, sino yan? Boyfriend nyo no? Ay, talandi si Ma'am oh"

Pagkatapos kong sabihin yun, nalipat ang tingin nya sakin at binato ako ng mini pillow na nasa desk nya. Mini pillow nya yun kaya syempre sinalo ko at inamoy amoy ko kaagad yun.

"Mmm. Anong shampoo nyo Ma'am? Ang bango ng unan nyo."

"Give that back."

"Nope."

"I said give that back. Throw it back to me."

"Nah, akin nato. Binato bato nyo eh."

Sasagot pa sana sya ng may kumatok sa pinto.

"Look who it is, Marcus."

"Isang kondisyon, akin natong unan?" Nginitian ko pa sya na parang bata at wala na syang nagawa.

"Oo na! Buksan mo na kung sino yun."

"Yes!" Taas ko pa ng kamay ko at yakap yakap ko yung unan nya ng tumayo ako para tingnan kung sino yung nasa pinto.

*Door opens*

"Oh, Marcus right? You're Yuji's son?"

Bati sakin ni Ms. Lina. Alam nyo yung mga matatandang may mga wringkles pero puro paganda parin ang inaatupag? Yeah, she's kinda one of them.

"Yep. That's me." Nginitian ko pa sya.

"Ooh, alam mo cute ka kagaya ng Papa mo. Could you tell him that I say hi?"

Whoa. Nice Dad, I wonder kung close sila ni Ms. Lina noon.

"Yeah sure. Uh, come in Ms. Briones's inside." Sabi ko habang pinagbubuksan sya ng pinto.

"Aww nakuha mo rin ang pagka-gentleman ng Papa mo." Sabay ayos pa nya sa necktie ko.

Natawa nalang ako habang pumapasok sya sa loob at pinisil pa nya yung pisngi ko.

"Hell-O Ms. Charlotte Briones." Bati nya sa busy busy'ing si Medusa habang nagtatype sa laptop nya.

Palaging may kachat yan, minsan nga nahuhuli ko syang ngumingiti mag-isa. Nakakaasar para syang baliw.

"Hell-O to you too, Ms. Lina. What do you need?" --Medusa

"Oh, I just want to tell you that we have a new Prof coming. I mean if he passed the training then he will be our new co-Proffesor. Isn't that great?!"

"Uh yeah sure. Is that why you came here?"

"No, actually you are the assigned trainer for this newbie."

Napatigil sa kakatype si Medusa sa sinabi ni Ms. Lina. Nakaupo naman ako sa sofa habang feel at home  ang nakataas kong paa at nakatanggal pa ang sapatos ko. Sabi ko naman sainyo, close na kami ni Medusa kahit gawin ko 'to sa office nya, she don't mind. Basta wag lang akong magkakalat, she hates that.

"Ako? Bakit ako?" Tanong ni Medusa.

"Well, ako sana kaso alam mo na mag le-leave ako. Kailangan ko ng vacation, at ayoko ng magasikaso ng mga pahabol na trabaho so, here." Nilapag ni Ms. Lina yung hawak nyang folder at ngumiti sya kay Medusa.

See? Lahat kami ningingitian sya, pero sya? Ang hilig nyang manaray at itaas ang mga kilay nya.

Inirapan nya si Ms. Lina at tinanggap yung folder na hindi man lang nya tinitingnan.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon