Chapter 60 (October 15, 2011)

857K 11.3K 1K
                                    

DATE POSTED: October 15, 2011


Chapter 60

Pagtapos ng play. Nakasunod lang si Phoebe kay Harley.

"Hwag mo na akong iwasan ah? Pwede?" sabi niya dito nung nasa backstage na sila.

"Isabelle naman... Don't make this too hard for me" sagot ni Harley.

"O sige... hindi mo naman ako kelangang pansinin lagi ehhh pero hwag naman yung parang hindi mo ako kakilala. Please naman!!!" pakiusap niya.

"Tskk. Alright. Sige na magpahinga ka na. Umuwi ka na. Baka makasama pa sa..."

"Oo... Thanks for taking care of me sa kabuuan ng play."

Tumango lang ito.

"GURL!!!" AHhhh! Pshhhh!" hinihingal pa ito, halatang tumakbo. Nakalagay pa ang dalawang kamay nito sa tuhod, nakatukod.

"Oh? Hinga! Huminga ka!" sabi niya naman habang hinahaplos ng kanang kamay niya ang likod nito.

"Umuwi ka na. B-bilis! Si Kent! Umuwi na yata!"

"Huuh??"

"Oo! Nandito siya kanina! Simula pa lang yata ng play nandito na siya! Nanunuod siya doon oh sa likod."

Napatingin si Phoebe kay Harley

"Bakit di mo sinabi?!!!?"

"Gurl! Paano ko masasabi! Busy ka!!!"

Tumakbo siya. Gusto niyang makalabas. Gusto niya nang makauwi!

Pero...

"Aray!"

Napatid siya sa isang paa ng nakaupo sa bench. Napaupo tuloy siya. Kinabahan.

"Oooops!!!" sabi ni Dominique. "Sorry!"

"Shit!! Grabe ka bakit mo siya pinatid?!!!!" sigaw naman ni Jhone kay Dominque. "Okay ka lan gurl? Tayo ka nga Okay ka lang??? Huhuhuh"

"Okay naman. Napaupo lang."

"ISABELLE AYOS KA LANG???!!!!" panic din si Harley. Lumapit ito at sinuri pa si Phoebe.

"Oo... Ayos lang." sagot naman nito.

"Magingat ka! Sigurado ka bang okay ka lang walang masakit.

"OA!" sabi pa ni Dominque at papaalis na.

"Grrrrr!!!! Sabunutan ko yung Elisa the second na yun eh! Bitter pa din sa role niya!" nangigigil si Jhone.

"Ayyy!!" nagulat si Phoebe. Binuhat siya ni Harley.

"I'll take you home. Hanggang bahay niyo okay? Hanggang bahay niyo. Kung kinakailangang makipag-away ako sa guard para papasukin ang kotse sa village niyo, gagawin ko."

"Pero???" di alam ni Phoebe ang sasabihin.

"Wag ka nang umangal. Diba ayaw mo naman mapalayo sakin? Ayaw kong may mangyaring masama sayo at siyempre sa kanya..." pagpapatungkol nito sa nasa sinapupunan niya.

***

Halos takbuhin na ni Kent ang village. Halo-halo na ang nararamdaman niya. Pagod, Inip, Selos, Pagka-asar, Guilt. Mababaliw na siya. Lasing pa siya.

"Manang kape!!" mainit na ulong sabi niya. Umupo siya sa sofa. Isinandig ang ulong masakit sa sandalang malambot.

"K-Kennt?? Anak nandyan ka na?!!! Sandali lang."

Ilang saglit pa, bumalik na si manang dala-dala ang mainit na kape.

"Wala pa si Phoebe ahh. Hindi ka ba dumaan ng school? Play ngayon hindi ba?"

Sinasabi ko na nga ba.... Magtatanong din tong si manang eh. Aishh. Dumaan ako ng school. AT ngayon ko lang din nalaman ang play na yan. Naisip niya at ininom ang kape...

"Nauna po ako. Pagod ako eh."

"Miss na miss ka na ni Phoebe."

Miss na miss niya na ba ako talaga?

"Kumakain ba siya??" binago niya ang usapan.

"Aba'y oo! Ang dami nga niya kumain ngayon. Nagpapataba yata."

Mabuti naman. Napakahina pa naman nung engot na yun.

Maya-maya may nagbubukas na ng gate. Sumilip siya sa labas.

Si Harley???

Nakita niya pang pinapapasok ni Phoebe si Harley sa bahay nila. Pero umiiling ito.

Hanggang kelan pa siya hinahatid ni Harley sa sarili naming pamamahay?

Kumuyom na naman ang kamao niya. Nagulat si manang Lourdes ng bigla siyang tumayo. Dali-dali siyang lumabas sya ng pinto.

"Ayaw mo ba talagang pumasok?" narinig niyan sabi ni Phoebe. Nakaharap pa ito kay Harley.

"Ahh. Hindi na..." sagot ni Harley habang nakatingin na sa kanya.

"PHOEBE!!" sigaw niya dito.

"Kent!!! I missed you!!"

Akmang lalapit ito sa kanya. Pero iniawang niya lang ang pinto.

"GET INSIDE! GO TO YOUR ROOM! NGAYON NA PHOEBE!" matigas na sabi niya.

"Waiit Kent..." Hinawakan siya ni Phoebe sa kamay. Pero tinabig niya lang yun. Naiinis na siya talaga. May konting espirito pa rin siya ng alak at mainit na talaga ang ulo niya.

"I SAID GO TO YOUR ROOM!!" sinigawan niya na talaga ito.

"Hwag ka munang magalit sa kanya..." malamig na sabi ni Harley.

"B-bakit??? Dahil kung-ano ano ang ginagawa niyo nang wala ako??? Umalis lang ako ganito na? May play na? May halikan pa? May pahatid-hatid pa??!!!!"

"K-kent makinig ka kasi muna!" sigaw ni Phoebe.

"Pumasok ka na!! PUMASOK KA NA PHOEBE DAHIL HINDI KO NA ALAM ANG MAGAGAWA KO SAYO!"

Nakita niyang nagtubig ang mata nito. At tumakbo na sa loob ng bahay.

"Isabelle!!" habol naman ni Harley.

"I DON'T KNOW WHAT YOU TWO ARE DOING! PERO SINASABI KO LANG SAYO VILLALUZ LAYUAN MO NA SIYA PWEDE??!!!!!"

Umiling si Harley. Malungkot ang mukha nito.

"Ang hirap sayo Kent. Palagi kang bingi. Hindi ka marunong makinig. Wala kang pinapakinggan pag galit ka."

"AYOKONG MAKINIG SA KASINUNGALINGAN! UMALIS KA NA! WAG KA NANG-"

"SHUT THE FCK OFF KENT! YOUR WIFE IS PREGNANT! SHE IS SO DAMN PREGNANT KAYA WAG KANG GANYAN!" namumula ang matang sumigaw na rin si Harley.

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon