Chapter 8.2.3

30K 616 9
                                    

Published: August 26, 2013

CHAPTER 8.2.3

KATIE's POV

Noong nasa CR na siya ay umakyat na agad ako sa ikalawang palapag ng bahay nila.  Bakit ba kinakabahan ako?  Natatakot ba akong mabasa ang mga text niya?  Hmm, binuklat ko ang inbox niya at positive!  Si Alexa ang ka-text niya! 

1st Text:

Fr:  Alexa
          
            Hi Ricky!  Bakit 'di mo man lang sinasagot text ko?  Okay ka lang ba?  Ano bang nangyari sa’yo?  Please answer me.

            So, hindi pa rin sinasabi ni Ricky kung nasaan kami?

2nd Text:

Fr: Alexa

            Really?  Anong ginagawa mo diyan?!  May nangyari ba?  Are you okay?

            Hmm, now he finally decided to tell her?  Bakit ba kasi wala man lang sent items itong bulok na cp niya!  Nakakainis!

3rd Text:

Fr:  Alexa

            I am planning to go home two weeks from now.  If sure na, I’ll text you and pupuntahan kita d'yan.  And I am not asking for your permission.  I’m just worried and yeah, I miss you too.

            I miss you too?!  Meaning, nag ‘I miss you’ muna siya.  Napasimangot ako at hindi ko maikakailang affected ako.   What's with the girl anyway? Oh, that guy!  I hate him!

4th Text:

Fr: Alexa

            I love you.  Take care.

            Oh no, this is crazy! It can’t be!  Hindi naman sila, right?  Pero bakit may ‘I love you’?  Of course, friends sila.  Bestfriends.  Pero ang sabi ng nanay niya ay mutual ang feelings nila for each other.  Hindi kaya itinuloy na nila ngayon?  Oh no!  It can’t be!  No!

            Binitiwan ko na ang cp niya at pakiramdam ko kasi ay bigla akong nawalan nang lakas.  I can’t be falling for him, right?  No way!  This isn’t me, but why am I jealous?  Oh, I am going nuts.  No way!  Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulala. Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na pala si Ricky at nakakunot sa akin.

          “Uy…”  Awkward…

            “Okay ka lang ba?  Tulala ka?”  Naupo siya sa tapat ko.  Hinigpitan ko na lang ang yakap sa tuhod ko. Try to be natural, Katie. Try.

            “Wala, may naisip lang ako.” 

          “Boyfriend?”  Oh…

            “No boyfriend.”  Bahagya pa akong umiling.

          “I see,”  Tumangu-tango pa siya.  Wala akong mabasa sa ekspresyon niya.  “Kung sabagay, mukhang mahirap kang magka-boyfriend dahil medyo wala sa align ang ugali mo.” 

          “Ha. Ha.”  Tawan-tawanan ako wari sabay sumimangot.  “Choosy ako.  Marami kaya akong suitors!”  Jeez, and, I can’t remember any of them actually.  Maybe, he’s right.  Masyadong intimidated ang mga lalaki dahil sa ugali ko.  Liz used to tell me that, but I was in denial.

            “Really now?  May mga lalaki palang walang taste.”  Nakangising sabi pa niya.  Yeah, he’s trying to tease me! 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon