7th

153K 2.6K 24
                                    

Zoe Kaila Esteban

Naging mabuti naman ang lagay ni Joshua kinabukasan kaya hinayaan ko na itong pumasok. Pinagbaunan ko nalang siya ng kanin para masiguradong kakain ito sa school at makakainom ng gamot niya para hindi na bumalik ang sakit ng kaniyang tiyan. Hindi naman na rin ako masyadong nag-alala sa kaniya dahil malakas naman na ito at tuwid nang tumayo.

Break time namin ngayon sa trabaho kaya andito ulit kami sa karinderyang madalas naming kinakainan nila Shine at Carlo.

"Saan ka galing kahapon?" Tanong ni Carlo kay Shine habang kumakain.

"Bakit kailangan mo malaman?" Tanong naman ni Shine sa kaniya.

"Nakakapagtaka. Bakit kaya hindi nalang kayong dalawa, ano?" Singit ko sa kanilang usapan at bahagyang natawa.

"Over my dead body!" Sabi ni Shine at tinulak si Carlo.

"Ito at ako, hindi bagay. Masyado akong pogi para sa kaniya." Ani Carlo sabay turo sa kaniyang sarili at kay Shine bago umakto na parang nanginginig sa diri. Umirap naman ako at tumawa.

Habang nagbabangayan silang dalawa ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Unregistered number pero sinagot ko pa rin ito para makasiguro kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Pag-sagot ko sa tawag. Walang sumagot mula sa kaabilang linya.

"Hello, sino 'to?" Tanong ko ulit. Nanatiling tahimik ang kabilang linya. Kahit isang tunog ay wala akong marinig. Hindi ko alam kung dahil wala lang talagang nagsasalita o may problema talaga sa audio mismo.

"If legit na concern ito at may problema lang sa feedback ng audio, kindly text me instead kasi hindi kita marinig. Pero kung prank call ito, wala akong oras para rito." Iyan na lamang ang aking sinabi at binaba na ang tawag.

Tinignan naman ako ni Carlo at Shine.

"Sino naman 'yon?" Tanong ni Shine sa akin.

"Ewan, wala naman kasing nagsasalita." Sagot ko sa kaniya at bumalik na lamang sa pag kain.

"Baka prank call." Ani Shine. Nagkibit balikat naman ako.

"Bahala siya. Wala akong panahon para sa kaniya." Sagot ko.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla ulit nag-ring ang aking cellphone. Tinignan ko naman ito kung iyong number ulit ang tumatawag. Unregistered number ulit ito pero sinagot ko pa rin kasi iba na ang pagkakasunod ng numero.

"Hello?" Sagot ko.

"Hello po, ma'am. Magandang tanghali. Kayo po ang guardian ni Joshua?" Agad naman akong natigilan sa kaniyang sinabi. Binitawan ko ang aking kubyertos at napatayo sa aking upuan. Nagtataka naman akong tinignan nila Carlo at Shine.

"O-opo. Bakit anong nangyari?" Tanong ko sa kausap ko.

"Ayon. Nurse po ito sa clinic ng school. Huwag po kayo sana mabigla pero si Joshua po kasi kanina ay nag collapse habang nagp-PE sila." Hindi naman na ako nagdalawang isip na umalis sa lamesa at naglakad pabalik ng fastfood. Narinig ko pa ang pag-tawag nila Shine at Carlo sa akin pero hindi ko ba ito nilingon.

"N-nasan po siya? Okay lang ba siya?" Unti-unti namang namuo ang luha ko dahil sa balitang natanggap ko. Stress and frustration started to build up as my mind went blank. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay puntahan si Joshua.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon