Chapter 1
Ilang oras na lang ay nasa Pilipinas na ako. Ang bilis din pala ng panahon, parang kamakaylan lang ako umalis. Ngayon, ito at nagbabalik na ako. Akala ko noon hindi ko na makukumbinsi pa ang sarili kong magbalik sa sarili kong bansa. Akala ko ay mawawalan na ako ng lakas para bumalik sa lugar kung saan ako pinanganak.
Oh well, time passes by.
Lumilipas ang mga panahon at nagbabago ang desisyon ng tao. Hindi mo rin pala masasabi ang mga bagay na gusto mong gawin sa hinaharap. Talagang pabago bago ang isip ng tao.
Ang tagal din ng anim na taon.
"Florence are you ready?" tanong sa akin ni Kuya Nik.
Kasama ko ngayon sa pag uwi ng Pilipinas si Kuya Nik kasama ang nagugwapuhan kong mga pamangkin. They attended an international competition, Trevor's in go cart racing while Tyrone's in horse jumping competition. They both got the 1st place, kanino pa sila magmamana? Sa Tita lang naman.
"Ready for what?" natatawang pabalik na tanong ko sa kanya. Don't tell me?
"Alam mo kung anong ibig kong sabihin" sagot sa akin ni Kuya Nik.
"Ano ka ba Kuya? I've moved on. Tapos na 'yon, besides he's happy right now" sinipsip ko ang orange juice na kanina ko pang hindi pinapansin.
Pero sa sulok ng aking mga mata ramdam ko ang mariing pagtitig sa akin ni Kuya na parang sinusuri ang reaksyon ko. I've moved on. Bakit hindi niya na lang ako paniwalaan?
"I know you Florence Celestina Almero" sagot niya sa akin saka siya bumalik sa pagbabasa ng dyaryo.
"Haist. I've changed for six years, you don't know me too well Kuya" I rolled my eyes on him.
"Bakit? Hindi ka ba namin nakakausap sa loob ng anim ng taon? Lame answer beautiful cousin. Hindi mo ako maloloko"
"Tsss. Bahala ka na nga Kuya, basta sa akin nagmana ang kambal" narinig ko na lang ang pagtawa niya sa sinabi ko.
Magkatabi kami ngayon ni Kuya Nik sa upuan. Trevor and Tyrone are busy playing their gadgets. Kinulbit ko ang lalaking natutulog sa unahang upuan.
"WHAT?" angil na sagot niya sa akin. Kung gaano kasing suplado si Gio noon ay mas naging triple siya ngayon. Saan kaya ipinaglihi ang pinsan ko na ito?
"Can I borrow your earphones? Hindi ko kasi makita 'yong sa akin"
"May trabaho ka na, wala kang pambili ng earphones?" aba't! Napaka! Talaga.
"Sabi ko hindi ko makita, magpapahiram ka ba o hindi?" dapat pala ay hindi na ako nagtanong sa kanya. Masama nga palang makipag usap sa bagong gising lalo na kung si Giovanno Javier Villacorta lang naman.
"Hindi" maiksing sagot niya at bumalik na siya sa pagtulog.
"Ate Florence! Catch!" mabuti at maagap ako, may inihagis lang naman sa akin si Patrick na earphones.
"Thanks, napakabait mo talaga. Hindi katulad ng iba dyan, mukhang basted na naman ata" halos sabay sabay na nagtawanan ang mga kabarkada ni Gio sa sinabi ko.
Kasalukuyan kaming nasa himpapawid pauwi ng Pilipinas sakay ng isang private jet plane. Hindi ito pag aari ng pamilya namin dahil hindi naman kami ganoon kayaman. Pag aari ito ng isa sa mga kaibigan ni Gio na anak ng may ari ng isang kilalang airline company sa Pilipinas.
Napapahanga talaga ako sa pinsan ko, sa kabila ng ugali niya ay may naging kaibigan pa siyang mga milyonaryo.
"Bull's eye! Wag mo naman ipamukha kay Gio, Ate Florence"natatawang sabi ni Lexus. Isa rin sa kaibigan niya na milyonaryo.
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)
RomanceI used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his everything. Now that I came back, I need to get used seeing another girl in his arms. Written in F...