11

49.4K 1.1K 56
                                    

Chapter 11


ABHIE'S P.O.V







Pagkahatid saakin ni Shane sa bahay umuwi na rin kaagad siya. Buti naman ang medyo okay na siya bago kami maghiwalay ng landas LOL.







Nagfe-facebook na ako ngayon. Online si Shane! Icha-chat ko sana siya kaya lang bigla kong nakitang nagcomment siya dun sa picture na pinakita niya saakin kanina.






-- Shane Briones: Oorder ako, pengeng form.





Hahaha kung makapag utos lang?





-- Cindy's Shop: 1500 po.



-- Shane Briones: Form.





Ang tipid talaga nitong si Shane magsalita kapag hindi niya trip yung kausap niya.





-- Cindy's Shop: http.........





Hindi manlang nagthank you? Haha bait talaga. Chinat ko na siya.





Me: Hoy suplado.



Shane Briones: ?





Aba question mark lang? Sapakin ko kaya 'to.





Me: Ganyanan na tayo ngayon? Question mark nalang?




Shane Briones: H'wag kang magulo may ginagawa ako.





Suplado talaga.




Me: Anong ginagawa mo?





Ang tagal bago siya sumagot.. Biglang nagchat saakin si Stan.





Stan Borromeo: Hoy kulot! Miss na kita ah! Hindi ako makalapit sayo si Elle kasi palagi akong hinihila! May gusto ba saken si Elle? Hehe





Kapal ng mukha nitong si Stan! Buti nga yon hindi siya masyadong nakakalapit saakin! Kasi palagi niya akong inaasar.





Me: Baka ikaw ang may gusto kay Elle!




Stan Borromeo: Ikaw kaya ang gusto ko. :)





A-ano daw?! Sira ulo 'tong Stan na 'to!!





Me: Kapal mo!





Stan Borromeo: Sayo lang! Kinikilig ka na ba? Tsk, bago mag sem break may bibigay ako sayo! Tapos after ng sem break liligawan na kita!





Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko! Anong kalokohan nitong si Stan?! Sasagutin ko pa sana siya pero bigla na siyang nag offline!





Sumagot na si Shane bago pa ako mapanganga sa harap ng laptop ko.





Shane Briones: Tapos na.




Me: Ano ba kasing ginawa mo?




Shane Briones: Secret. Kumain ka na ba?






Ewan ko ha? Pero simpleng tanong lang yon pero wagas yung ngiti ko, ganito yata talaga kapag crush mo, kahit simpleng bagay lang napapangiti ka na.





Me: Hindi pa, mamaya nalang.




Shane Briones: Sigurado ka ba maganda yung purple?




Tanong niya napakunot ang noo ko.




Me: Ano?!




Shane Briones: -_- slow.






Ayan nanaman siya sa mukha niya! Ano ba kasi yon? Purple? Purple? Ahh! Yung bracelet.





Me: Diba sabi ko pink maganda kasi lahat ng babae gusto pink. Pero kung ako tatanungin purple.




Shane Briones: Fine. -_-





Ayaw nanaman ngumiti ni Shane. Nagulat ako ng sunod sunod niyang nilike yung mga pictures ko!





Me: Hoy! Auto likers lang ang peg?!




Shane Briones: Ang ganda pala ng pilik mata mo.





Lub.dub.





Nakatanga lang ako sa laptop ko! Sunod sunod pa din yung like niya!





Shane Briones: Yung lips mo. Manipis pala.





Shet ka Shane!! Tumigil ka na! Huwaa! Masyado na niya akong pinupuri! Naglike pa ulit siya.





Shane Briones: Cute ng ilong mo. Ang liit. Papisil bukas ng ilong ha?





Putek ka Shane Briones!!





Me: SHANE!!!




Shane Briones: Pero pinakamaganda sa lahat yung mata mo.






Hindi ko na alam kung gaano kaingay at kabilis yung tibok ng puso ko dahil sa mga pinagsasasabi niya!





Me: Shane! Pwede ba h'wag kang manadtad ng likes!




Shane Briones: Bakit?





Hindi ako makasagot.





Shane Briones: Pengeng number mo.





O_O pagkatapos niya akong i-compliment hihingin niya number ko? Hahahaha! Grabe lang! Ano 'to nagkakilala ba kami online?





Pero ngayon ko lang naisip, ang tagal nanaming magkakilala ni Shane pero hindi namin alam ang number ng isa't isa. Paano ba naman kasi hindi ko pa nakikitang nagcecellphone si Shane.





Tinype ko yung number ko. Maya maya lang may tumatawag na!





Sinagot ko kaagad yon!





"He-hello?" - sagot ko.





"Tinatamad na akong magtype." - boring na sabi niya, hindi na nga siya nagtatype sa chat pero like pa rin siya ng like ng mga pictures ko.





"Ang lakas ng trip mo ngayon!" - sabi ko sakanya





"Kailan kita pinagtripan?" - seryosong sabi niya, nagtatayuan yung balahibo ko sa boses niya, ngayon ko lang siya narinig magsalita sa phone, ang ganda ng boses niya lalaking lalaki.





"Ngayon! Pinagtitripan mo ako ngayon!" - sigaw ko sakanya habang binabrowse ko yung mga nilalike niya.






"Hindi kita pinagtitripan. Sandali maikli pa yung buhok mo dito sa isang Profile Picture mo." - puna niya, ang gwapo ng boses niya.





"Huh? Saan?" - tanong ko saka pumunta ako sa album ng Profile pictures ko.





"Naka.purple dress ka." - sabi niya.





Nakita ko na! Valentines day yon! Maikli pa nga yung buhok ko dun kasi nung first year pa yun na picture ko.





"Ah, nung valentines day yan. May Valentines Ball kasi sa school ko dati."





Nakangiti pa ako habang sinasabi yon, para bang nakikita niya ako. Pansin ko lang ang yaman ni Shane sa load.





"Really? May kadate ka noon?" - tanong niya.





"Huh? Wala noh, umattend lang kami ni Syril kasi first time namin makakapunta sa ganun." - sabi ko, yeah first time yon, naalala ko si Papa, siya kasi ang bumili nung dress kong yon, hinatid niya pa nga ako sa school non kasi gabi yung ball.






"Bagay sayo." - bulong niya sa kabilang linya. Parang nagkakalampag nanaman yung loob ng dibdib ko.





"Thank you."






"Shane iho kakain na!" - narinig ko sa kabilang linya na may sumigaw.






"I'll call you again later. Bye." - yun lang at nagbusy na.





Magla-log out na sana ako pero bumilis yung tibok ng puso ko ng magcomment siya dun sa picture kong nakadress ako.





-- Shane Briones: Wear that dress on Saturday.


****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon