Chapter 7

3.3K 124 90
                                    


Chapter 7 - Nossila


"Great. Now I feel like a third wheel." Nakangusong deklara ni Miles.

Papunta kaming cafeteria, magkatabi kaming naglalakad ni Orange while Miles is literally just a step away from us.

"This is your idea." Orange deadpans, "Bear with it."

Paano kaya napagtitiisan ni Miles ang bugnuting 'to?

Ngumisi siya bigla. Hindi ko malaman kung ano ang totoong emosyon niya sa bilis niyang magpalit ng facial expression. "Well, seeing you two like that entertains me."

Then I ask myself. Sa ilang araw ko dito sa Luxford, paano ko ba napagtitiisan 'tong dalawang 'to?

"Tyler!" sigaw ng magandang boses. Aubree is running gracefully towards us.

"Fuck." Orange mutters, I could feel him panicking. Mukhang any moment, handa na siyang tumakbo.

I hold his hand and smile sweetly, "Relax, Orange. I got this."

Aubree launches herself to hug my fake boyfriend pero humarang ako. Halos ako ang mayakap niya but she stops and eyes me from head to toe. Tsk, sayang. Mayayakap ko na sana ang isang diyosang tulad niya.

"What do you think you're doing?" nanlaki ang magagandang mata niya na may winged eyeliner at long lasting mascara nang makita niyang hawak ko ang kamay ni Orange. "How dare you?! Bitawan mo siya!"

"Excuse me, pero sino ka ba? And are you just about to hug my boyfriend? How dare you?" kunwaring galit na tiningnan ko si Orange, na mukhang nabigla sa acting skills ko. "Tyler, do you know her?"

I hear a snort. It's Miles, trying to stifle his laugh. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakangiti. He's gonna give this stunt away!

Aubree looks so genuinely shocked, "You don't know me? I'm Aubree Wilson! And everyone here knows that Tyler's mine! Ako dapat ang nagtatanong sa'yo kung sino ka!" Galit na siya, pero sobrang ganda niya pa rin. She points her index finger at me. "Wait, I know you! You are the transferee everyone talks about na palaging kasama ni Tyler at Miles—ng Pyxis! Hah. Boyfriend? Are you kidding me? You're new kaya pano mo magiging boyfriend si Tyler? Is this some kind of stunt? Did they pay you to do this?"

Hindi ako nakapag-react agad. She's good at this. Mabubuking yata kami agad.

"No, Aubree. Did you think we'd go that far?" Orange asks like he couldn't believe what he just heard. Ang galing naming umarte. If I were Miles, I'd be entertained too. "Alisson's my girlfriend, we met last year and I fell in love with her. Nakiusap ako sa kanya na lumipat dito sa Luxford so she'd be near me."

Pingilan ko ang sarili ko na pumalakpak. He's such a good actor! And a good liar! His expression and tone? Kapani-paniwala talaga! Daig niya pa si Brad Pitt!

Umiling iling si Aubree. Namumuo ang luha sa mga mata niya. Poor her. "You're lying, Tyler."

"When did you ever believe me, Aubree? Tigilan mo na ako. I'm happy with her." Pinisil ni Orange ang mga kamay ko, he looks at me so very softly I have to double check kung mga mata niya nga ba talaga 'yon.

Tuluyang umiyak si Aubre bago muling tumakbo palayo. When she's out of sight, parang nagkaron ulit ng hangin ang paligid. It feels good to breathe. Binitawan na rin ako ni Orange.

Nag-umpisang tumawa si Miles. "God, that was epic! Daig ko pa ang nanuod ng sine! Good job! Pwede na kayong pang-Hollywood!" nakahawak siya sa tiyan na at naiiyak na, "Wish I was that good of an actor."

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon