Kabanata 18

192K 4.1K 285
                                    

Selos

"You can't love someone just because you see someone in them. You have to feel it, feel that scary thing in your heart."

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Agatha sa speaker.

"Goodafternoon everyone! Have a good lunch! This is yours truly.. Agatha Joan Montgomery."

Lalong lumawak ang ngiti ko! That's my sister! Nagkatinginan kami ng mga pinsan ko at natawa.

"What the heck is she saying!" Natatawang wika ni Adrian. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tawa pa rin siya ng tawa.

Hindi ko narinig yung first broadcast niya dahil doon sa nangyari na away before sa gym kaya nakakahinayang. Kahit dinemonstrate niya sa akin yon kinagabihan.. iba pa rin.

"What kind of quote is that!" Natatawang dagdag ni Uno. What the heck? Nakaka-proud kaya siya.

"She's being melodramatic!" Dos added. Ano ba yan? Mabilis na sinapak naman ni Alice si Dos. Napailing nalang ako at uminom ng apple juice ko.

"In love na ata si Ate." Napatingin ako kay Gelo dahil sa komento niya. Lalo akong napailing. That's impossible. Si Agatha? Mai-inlove? Pinoproblema niya palang ang pag pasok niya sa army tapos magkaka love life pa siya? My sister knows better.

"That's impossible Gelo. Si Agatha? I can't imagine." Wika ni Simon. I agree! That's what I'm saying.

"Subukan lang niya. Uupakan ko yon." Wika ni Adrian habang pinapakita ang muscles niya. Napabuga ako nang hangin. Kumuha ako ng sandwich at pinasok sa loob ng bibig ni Adrian para matigil siya.

"Baka mauna ka pang barilin ni Agatha. Feeling ko nga sniper siya eh." Saad ni Clyde. What the heck?

"Oo! Tuwing nag-aasaran tayo. Mata palang niya bumabaril na. Fuck!"

Tinaas pa ni Carl ang kamay niya at kunyari bumabaril. Carl is the most normal sakanilang mga lalaki but in times like this.. I doubt it.

"Gath!" Tawag ni Tulip. Nalingon ako doon at kita kong palapit na siya habang nakasimangot. Napano ang kapatid ko?

Umupo siya sa tabi ko at naki-inom. Tumingin sa akin ang mga pinsan ko na para bang nagtatanong. Nagkibit-balikat lamang ako.

"Napano ka?" Tanong ko sakanya.

"Kainis. Mayroon kasing trespasser sa loob ng broadcasting room. Hindi naman siya part ng BC tapos pumapasok siya. Hindi ko masikmura ang pagmumukha non."

Kita kong inis na inis ang kapatid ko.

"Sino?" Tanong ni Adrian. Umikot ang mata niya at gamit ang dalawa niyang daliri ay may tinuro siya.

Sinundan naman namin 'yon ng tingin. "Osiris Ciro Claveria. Ang salot sa buhay namin ni Ate."

Natawa ako sa sinabi niya. Nakita namin si Osiris na palabas na ng cafeteria. Simula palang naman ay alam ko ng hindi sila magkakasundo.

"Teka? Bakit nadamay ako?"

Bumuga siya ng hangin. Binigyan naman siya ni Gelo ng pagkain dahil hindi pa siya naglulunch.

"Kasi rinereto siya sayo pero may Captain ka na so.. salot siya." May halong inis ang pagkakasabi niya non.

"He's not that bad. Hindi ko naman siya problema.. nakikipag-cooperate naman siya." Depensa ko.

"Baka gusto ka non, Gath" saad ni Uno.

Nabitawan ni Agatha ang tinidor niya.

"Wala na akong gana. Kadiri ka, Uno." So she hates him that much?

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon