A KISS IN THE RAIN (Now Available in Bookstores) FAQs

406K 2.7K 536
                                    

A KISS IN THE RAIN (Soon in Bookstores Nationwide) FAQs

Konting hintay na lang at magiging available na po ang libro ng "A KISS IN THE RAIN" sa mga Bookstores Nationwide. At para sa mga questions po tungkol sa libro, nasa baba ang sagot.

1. Kailan po ang release? - Na-release na yung book at ngayon available na sa mga boostores. (National Bookstore, Pandayan Bookshop and Fullybooked)

2. Isang book lang po ba? Kumpleto na po ba 'yung book? - Yes po, isang book lang. Kumpleto niyo pong mababasa mula Prologue hanggang Epilogue.

3. May mga changes po ba sa book? - May mga binago po ako, pero same pa rin 'yung flow nung story. At 'yung mga scenes na alam kong nagustuhan at minahal niyo, nasa libro pa rin. 

4. Magkano po yung book? - 195 pesos po. 240 pages po 'yung book.

5. Magkakaroon po ba ng booksigning? - Yes po, sa Manila International Book Fair ang schedule ko po for booksigning ay sa Sept. 13, 2013 - Friday. Pero from Sept. 12-15 nandun din po ako, para sa iba pang events na meron sa book fair.

6. Bakit po J.C. Quin ang nakalagay sa libro at hindi i_love_kyle? - J.C. Quin po kasi ang pinalagay ko sa book at hindi 'yung UN name ko dito sa Wattpad. Ako pa rin naman po 'yan.. XD

7. Kathniel pa rin po ba ang casts? - Sa libro naman po walang nakasulat na cast 'di tulad dito sa Wattpad. Pero syempre para sa'kin, kung iisipin ko kung sino yung mga bida sa story, Kathniel pa rin ang maiisip ko. Pero nasa readers pa rin naman po 'yan. Malaya po kayong bumuo ng mga characters sa isipan niyo. :)

8. Sino pong publisher? - PSICOM Publishing po. Same sa publisher ng DNP, SL, TBYD, CR, MFBFR etc. 

Kung may mga tanong pa po kayo, pa-comment na lang po sa baba. Pa-share na rin po sa iba, para mabasa rin nila. :)

Para mas makita niyo po yung COVER ng libro. pa-click na lang ng EXTERNAL LINK --->>

Maraming Salamat po sa mga sumuporta, sumusuporta ar susuporta pa lang sa libro. Hindi po mapupublish ang "A KISS IN THE RAIN" kundi dahil sa inyo. Sinuportahan at minahal niyo po ito nang dito ko pa lang siya isinusulat sa Wattpad. Kaya ngayon po na magiging libro na talaga siya sana nandyan pa rin kayo. Muli po nating basahin at balikan ang lovestory ni Jared na nagsimula sa isang halik sa ilalim ng ulan.. ^_^

Jen a.ka. J.C. Quin - i_love_kyle

A Kiss in The Rain - EXCERPT (Now Available in Bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon