MPML Book 2 (18)

3.3K 94 5
                                    


Marcus's POV

Matapos ang meet up ni Dad at Medusa, parang hindi ko na maatim na makasama sila sa iisang kwarto. Yung ilang beses mo silang nahuhuling nagtititigan at ang hindi mapakaling si Medusa tuwing nandyan si Dad. Alam nyo yung close na kami ni Medusa eh, tapos biglang papasok sa eksena yung tatay mo? Parang nakakaewan nalang, ang sarap magwalk out nakakahiya naman sakanila baka gusto nilang magusap pero hindi nila magawa dahil palagi akong nandon.

"Uy Marcus, nakikinig kaba?" Tanong sakin ni Ria na kanina pa salita ng salita tungkol sa formulas.

"Oo nakikinig ako." Maikling sagot ko sabay inom ko ulit ng mango shake.

"Sure ka? Kasi kanina pa ko nagsasalita dito pero kanina pa malalim yung iniisip mo dyan."

Tumingin ako sakanya habang binababa yung iniinom ko.

"Nakikinig nga ako sayo."

"O sige, anong huling sinabi ko?"

"Ko?"

Bigla naman nya kong inirapan sabay tapon nya ng iniinom ko.

"Hoy! Mango shake ko yon!"

"Naisip mo bang nagcut ako ng class para ituro sayo ang mga 'to tapos hindi ka naman nakikinig?" Isa-isa nyang kinuha yung mga gamit nya at akmang aalis na ng pigilan ko sya.

"Uy, sorry na. May iniisip lang talaga ako, yaan mo makikinig na talaga ako." Tiningnan pa nya ko bago sya bumalik sa tabi ko.

Nasa cafeteria kami nagrereview para sa darating na exam, kahit tutor ko si Medusa, hindi parin ako pakampante dahil Math lang naman tinuturo nya sakin. Kaya si Ria naman ang nasa tabi ko ngayon para tulungan ako sa ibang subject. Hindi naman ako bobo, nakakatamad lang talaga mag-aral.

"Isa pang hindi mo pakikinig sakin aalis na talaga ako."

"Oo na, umupo kana dito sa tabi ko."

Ako lang ba o parang namula sya sa sinabi ko. Ano bang sinabi ko?

Tumabi sya sakin at binuklat ulit sa harapan ko yung libro ng philo. Nagsimula syang magsalita ulit at all ears naman ako sakanya ng makita kong pumasok ng cafeteria si Dad kasama sila Mr. Rajishima at Mr. Madrigal. Anong ginagawa nya bakit kasama nya bestfriends ni Medusa? Diba dapat training lang inaatupag nya dito?

"Marcus!"

Bumalik naman ang tingin ko kay Ria na masama na naman ang tingin sakin.

Tapang no? Natitingnan na ko ng masama nyan dahil naging close narin naman kami sa isa't isa pagkatapos nung nangyari sa party. Narealize ko rin naman yung ginawa nya that night para mapansin ko sya kaya kahit papaano, bumait ako sakanya. Mamaya, umiyak na naman sya sa harapan ko eh.

"Sabi mo makikinig kana?!"

"Nakikinig naman ako ah?"

"Hindi ka nakikinig! Nakatingin ka dun sa---"

Nakaturo sya sa table kung san nakatitig ako kanina ng makilala nya yung nakaupo dun.

"I-is that your Dad?"

Para syang ewan na hindi makapaniwala sa nakita nya.

"Uy Marcus, anong ginagawa ng Dad mo dito?"

Chismosa rin ang babaeng to e.

"Akala ko ba Philosophy subject natin dito?" Tanong ko.

"E ano ngang ginagawa ng tatay mo dito? Omg, alam ba ni Medusa na nandito ang Daddy mo?!"

She looks so excited, para syang fan ng Yuji-Charlotte loveteam sa reaksyon nya. Ang laki ng ngiti nya at mata nyang ngayon ko lang napansin na kulay brown pala.

"May....dumi ba ko sa mukha?"

Bumalik ako sa wisyo ko ng magtanong sya.

"H-ha?"

"May dumi ba ko sa mukha? Tinititigan mo ko kanina eh."

"H-hindi no, may ano kase...may...may ano...langaw na lumilipad sa ulo mo k-kaya yun." Hindi ko na alam sasabihin ko kaya hinablot ko yung ano namang nasa harapan ko.

"Marcus?"

"Mm."

"Shake ko yan."

"Mm??"

"Mango shake ko yang iniinom mo."

Tinanggal ko naman agad yung straw na nasa bibig ko habang nilalapag ko sa lamesa yung baso. Hindi ko alam idadahilan ko, ininuman ko yung baso nya, YUCK.

"Tinapon mo kase yung mango shake ko! Palitan mo yon!" Sigaw ko habang kinukuha yung bag ko palabas ng cafeteria.

"Uy teka, san ka pupunta?"

"Punta na kong room."

"P-paano yung review natin?"

"Bahala na!" Nakalayo na ko kaya pasigaw ko narin syang sinagot habang nagwawave ako sakanya ng nakatalikod.

Bwiset, unang beses kong inuman baso ng iba at sa babae pa. Hindi lang sa babae, baso pa talaga ni Ria. Langya kasi, sa tagal ko na syang kasama ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganun.

Maganda sya, simple, pero yung mga ngiti nya kakaiba. Ganun ba talaga ako ka-sama sakanya noon at puro iyak lang ginawa nya kaya first time ko syang makitang ngumiti ngayon? Parang tumigil ng ilang segundo yung mundo ko ng makita ko syang nakangiti kanina. Yuck. Kadiri, ano ba tong pinagsasabi ko.

----

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon