MPML Book 2 (19)

3.5K 94 5
                                    


Maaga akong pumasok ngayon dahil marami akong naiwang paperworks at mga lesson plan na hindi ko pa naaupdate, plus yung grades ng mga estudyante ko hindi ko pa naaarrange. Dagdag pa yung pagtututor ko kay Marcus at yung training ni Yuji. Sa dami kong iniisip at mga kailangang gawin sumasakit na yung ulo ko. Hindi pa kasama yung tensyong nararamdaman ko pag nandyan na si Yuji.

Nakamove on naman na ako pero kasi iba parin yung makita mo ulit sya, maramdaman mo yung presence nya, yung mga mata nyang nakatitig sayo pag nagsasalita ka, lahat yun ang hirap ihandle kasi kahit sabihin kong nakamove on na ko parang bumabalik lahat. Yung tipong malapit kana sa finish line kaso bigla syang bumalik, kaya start ka ulit from the top.

Napayuko ako sa desk ko kasabay ng pagtunog ng tyan ko. Hindi pa nga pala ako naguumagahan.

*Knock knock knock*

"I'm not here, kung ano man yung kailangan mo mamaya na please?" Sabi ko sa kumakatok sa pinto pero naramdaman ko paring bumukas yun.

Nakayuko padin ako sa desk ko at wala akong balak makipagusap kahit kanino. Sinabi na kasing 'I'm not here.' pumasok padin.

"Get out. I have a lot of things to do and you coming here is not helping." Sabi ko habang nakatungo sa desk ko.

"I'm sorry, masyado ba kong napa-aga?"

Parang tumigil naman sa pagtibok yung puso ko ng marinig ko yung boses nya. Yung nakapikit kong mga mata, ngayon dilat na dilat na. Hindi ko alam kung haharap ako, ayoko syang makita baka namumula yung mukha ko.

"Ms. Briones?"

I can't look at him. I can't look at him. I can't look at him. I can't look at him. I can't look at---

"Charlotte, look at me."

Napakagat labi ako bago ako huminga ng malalim at tumingila sakanya na parang wala akong tensyong nararamdaman kanina.

"Oh, Mr. Yuji. Aga mo naman ata? Our training is scheduled at 2pm meaning you're 4 hours early." Nakatingin lang ako sa mga papel na nasa desk ko at hindi sya tinitingnan.

Sabi ko titingalain ko sya, akala ko kaya ko syang tingnan pero hindi. Binabawi ko na.

"Right. So uhh...I should go. I'm sorry If I've bothered you." Nakayuko ako pero ramdam kong tumalikod sya palabas ng pinto.

Mukha syang matamlay, hindi naman ganyan ang Yujing kilala ko noon. Never syang napapa-aga o nalalate sa schedule, if he did then something is not right.

"Wait." Tumigil sya paglalakad at humarap sakin.

His eyes meets mine. Unang tingin ko palang sa mga mata nya, alam kong may mali na sakanya. May problema kaya sya?

"You're here, so maybe we can do your training now? I mean it's just a waste if you're just going to leave and not have your training so...take a seat Mr. Salvatore."

Nginitian ko pa sya na nakapagpangiti din sakanya. He's smiling yet parang may mali. I wanted him to open up to me but that's not our thing anymore. Well was, 18 years ago pero kasi ngayon parang hindi na kami komportable sa isa't isa kung aasal kami ng parang walang namamagitan samin noon. Awkward yun.

Umupo sya sa harapan ko at kinuha ko naman sa drawer ko yung sched ni Ms. Lina at ibinigay na yun sakanya.

"What's this?" Tanong nya.

"That's Ms. Lina's schedule."

Tiningnan pa nya yun at binasa isa isa.

"I'm in? Walang training or something?"

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon