Chapter 23: Christmas Gift

233K 8.2K 2.2K
                                    


Nate's Point of View


Malapit na ang pasko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakabili ng regalo para kay Tammy. Tatlong linggo na lang. Dapat makapili na ako kaagad. Kaya lang hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sa kaniya na magugustuhan niya talaga.

Hindi naman ito ang unang taon na magbibigay ako ng regalo kay Tammy. Noong mga nakaraang taon, sisiw lang naman sa akin ang pagpili. Pero ngayon pakiramdam ko dapat akong mag-level up. Para dagdag pogi points na rin.

Ang hirap naman kasi mag-isip ng regalo para sa isang taon na hindi mahilig sa mga materyal na bagay.


"Anong ireregalo mo kay Hails?" tanong ko kay Warren na kumakain ng fishball.


Nagkibit balikat siya at nagpatuloy sa pagkain. Bwisit naman 'to. Hindi man lang nag-abalang sumagot. Mangongopya pa naman ako sa kaniya ng regalo. Teka...

Binatukan ko si Warren kaya nanlaki ang mata niya at agad tumingin sa akin, "Loko ka! Hindi mo ibibili ng regalo si Hailey kasi nag-away kayo noong isang buwan?"


"Sinasabi mo?" inis na sabi niya at itinapon na ang stick ng fishball, "Ayos na kami ni Hailey. Bibigyan ko siya ng regalo. Nakapag-order na nga ako eh."

"Weh? Maniwala?"

"Kulit ng bwisit na 'to! May book set siyang gusto. Limited edition kaya nahihirapan siyang maghanap. Naghanap ako online. Ang dalas kong bumisita sa mga site. Kaya nang may makita na ako, binili ko na. Hinihintay ko na lang mapadala."

"Hindi 'yon. Maniwala kako akong ayos na kayo."


Sinamaan niya ako ng tingin at naglakad na. Hindi naman ako nagpaiwan sa kaniya. Inakbayan ko pa siya, "Ano nga? Ayos lang kayo?"


"Oo nga sabi." Tinitigan ko siya kaya napabuntong hininga siya, "Ayos lang kami. Basta sundin ko gusto niya magiging ayos lang kami."

"Paano kapag hindi mo sinunod?"

"Tigilan mo na nga ako. Maghanap ka na lang regalo kay Tamara."


Habang nakatambay sa student's park kasama ang mga ka-block ko, iniisa isa ko sila para tanungin kung ano ang magandang iregalo para kay Tammy. Karamihan ng lalaki sinasabing magbigay na lang ako ng teddy bear, chocolate at bulaklak. Ang common naman na no'n masyado at nabigay ko na sa kaniya ang mga 'yon. Isa pa, pang-Valentine's gift ko 'yon sa kaniya eh.


"Magbigay ka na lang sa kaniya ng kahit na ano na paglalaanan mo ng effort," sagot ng isa sa kanila.


Effort ba? Matutuwa kaya si Tammy kapag naging katulong for a day nila ako? Maglilinis ng bahay nila, magluluto para sa kanila, maglalaba, mamamalantsya. Kung gagawin ko ang mga 'yon baka sa halip na matuwa makonsumisyon lang sa akin 'yon. Pero effort na 'yon sa tingin ko.


"Alam mo, Nate, kung ako lang ikaw, matagal ko nang tinigilan sa panliligaw 'yang si Tamara. Mukha namang wala siyang plano na sagutin ka."


Kung may hawak lang ako na kahit na ano ngayon malamang ko ba ipinasok ko na sa bibig nitong kaklase ko 'yon. Pasalamat siya wala akong hawak.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon