Chapter 27

120K 2K 156
                                    

                                                                 ******

Sa isang ice cream parlor, masayang binubulatlat ni Arabella ang mga bagong librong pinamili sa kanya ni Warren.

"Nag-enjoy ka ba sa lakad natin Arabella?" tanong ni Warren habang inilalapag sa mesa ang dalawang order ng banana split at strawberry shake.

Paulit-ulit na tumango ang batang babae nang may abot tengang mga ngiti. At lalo itong pinamilugan ng mga mata nang makita ang napakasarap tingnan na pagkain sa harapan niya.

"Opo naman! First time ko pong maranasan na ipinasyal po ako ng ganito!" sabay subo ng bata sa ice cream.

Sinabayan ni Warren ang pagsubo ng kasama. "Hmmm...this is good. Isa ba to sa mga paborito mong pagkain?"

"Opo. Pag birthday ko po, dinadala po kami ni Mimi dito. Palagi niya po akong pinapapili kung ano daw ang gusto ko, cake or banana split. Eto po yung pinipili ko. Di bale ng wala akong birthday cake basta nakakain ako nito. Kaya nga sobrang saya ko po ngayon dahil kahit hindi ko birthday, nakakain po ako dito. Thank you Tito Warren!"

"You're welcome. Hayaan mo pag hindi busy ang Tito Warren at gusto mong kumain ng banana split dadalhin kita dito."

"Talaga po?!"

"Oo naman."

Unti-unting nabura ang mga ngiti sa mukha ni Arabella at bigla itong tumamlay. " Huwag na po pala."

"Bakit naman? I thought this is your favorite."

"Kasi turo po sa amin ni Mimi na pag may nagbigay po sa amin, huwag daw po naming aabusuhin.

"Don't worry. Akong bahala sa Mimi nyo. I'll make sure na hindi siya magagalit, tingnan mo napapayag ko siya ngayon na ipasyal ka."

"Talaga! Sige pero sa susunod isama na po natin sina Chacha at Jasper."

Tiningnan ni Warren ang masayang mukha ng bata at ngumiti nang may ningning sa mga mata habang naglalaro sa isipan ang isang masayang larawan. "Next time we come here. Kasama na rin natin pati ang Mimi mo."

Ngumiti si Arabella ngunit natigilan ito sa pagsubo nang mapansin ang mga ilan-ilan sa mga naroroong kustomer na napapalingon sa kanilang mesa.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon