Kabanata 22

4.4K 109 0
                                    

Kabanata 22
Sintas

Tulala pa rin ako sa dami ng tumatakbong tanong sa isipan ko ngayon. Bakit siya umalis matapos niyang makita ng totoong kulay ng mata ko? What did he mean by it can't be? Hanggang ngayon ay hindi ko maunawaan kung bakit galit na galit sila kay Papa? Nilingon ko ang nilabasan niyang pintuan, doon lamang nanumbalik sa akin na sira na iyon.

Inayos ko ang sarili bago lumapit doon. What should I do with this? Ngayong alam na ni Zeiner Caviezel ang tirahan namin hindi ko alam kung safe pa ba ang pagtira rito. I should call for help but I don't want to make things worst lalo na at wala pa sa plano ko ang kanina, ni hindi ko inaasahan na ganoon ang gagawin niya. Kung tutuusin ay isang pindot ko lamang ng controller na konektado sa remot control, at maging sa mga switch ng ilaw ay maaalerto na ang mga tauhan namin. Nakatira lamang din sila sa mga kalapit-bahay pero hindi sila direktang nagbabantay o tumutuloy dito. Afterall my fathet is a mafia boss, takot nalang ng mga gustong pumunta sa lugar namin pero ang lalaking iyon...

Sinubukan kong ayusin amg pintuan pero wala talaga akong alam sa pag-aayos ng sirang bagay. Pati ang lamesa palang gawa sa kahoy ay masama rin ang lagay.

Hinanap ko ang cellphone ko pero sa kasamaang palad ay ayaw niyong makisama at mukhang tinaguan pa ako. Lumipas ang kala hating minuto na wala pa rin akong nagagawa hanggang sa narinig ko na ang tunog ng sasakayan ni Papa.

Sa taranta ko ay hinarangan ko siya sa pintuan pero pintuan palang naman ay wala na akong takas.

"What happened?" halos manindig ang balahibo ko sa nakayayanig niyang sigaw.

"Pa! Ang Cavizel! Nangahas siyang pumunta rito at... at nagkaroon kami ng komusyon dahil sa pagpupumilit niyang pumasok," paliwanag ko at napayuko.

Natigilan siya at nagsalubong ang kilay nang matitigan ako ng mabuti.

"He saw your eyes?! Anong pumasok sa kokote mo at tinanggal mo iyon?!" he was so mad, napayuko ako dahil alam kong isang pagkakamali iyon.

"I'm sorry Papa. All I wanted was to protect myself," I explained. Iyon sana ang gagawin ko pero kung kailan handa na ako ay umalis ito.

"Bullshit reason Maribella! Mag-impake ka! Hindi ka matutulad sa mama mo!"

Nataranta ako kaya mabilis na umakyat sa kuwarto. I'm disappointed to myself. Ang sikretong ikinatatago namin ay tuluyan ng nalaman ng ibang tao. I may not know how big deal it is but knowing my father, he only wants what's best for me. Kaya hindi ko na tinanong kung bakit niya ako pinag-iimpake. I'm also very guilty the reason why I don't question his decisions. Ngayon na lang ulit nagalit sa akin si Papa ng ganito.

Nilagay ko ang lahat ng gamit sa mga maleta. Mabilisang desisyon itong ginagawa namin. Kung aalis kami ay saan kami lilipat? This house is important to me dahil dito na ako lumaki kasama si Papa.

I don't think I can attend class tomorrow. Lilipat kami ng tirahan at isa pa ngayon ko mas napagtanto na mas delikado na para sa akin ang pumasok ng paaralan ngayong mas natukoy ko na ang pakay ni Zein. Kilala niya na ako at talagang hinahanap niya si Papa.

"Tara na." tumawag si Papa ng mga tutulong sa amin sa pagbubuhat. Sila yata ay kasama sa nasasakupan ni Papa.

"Saan po ba tayo lilipat?" tanong ko kabado pa rin at bahagyang masakit ang katawan sa tinamo kanina.

"Not that far but one thing's for sure, maling desisyon na ipinasok kita sa paaralang iyon. Magtatransfer ma sa ibang school," pinal niyang sagot na ikinanlumo ko. How about Denice? Kung ganoon ay malalayo na naman ako sa kaniya?

"Why my school pa? Dahil ba alam na ng batang Caviezel na anak niyo ako? Paano ang kaibigan ko roon? Denice?"

"Nakayanan mo na noon wala na iyong pagkakaiba sa ngayon."

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon