Chapter 6 - His Reason

208K 5.2K 450
                                    

Chapter 6

MABILIS kong nakapalagayan ng loob si Drake. He looks intimidating dahil sa get-up niya pero mabait siya. Isinantabi ko na lang ang naririnig kong boses ni Hansel.

"Saan ka ba ngayon nakatira?" he asked.

"Sa hotel."

Sasabihin ko sanang sa penthouse kasama ni Hansel kaso parang nahiya ako. Eh, kasi pangit tingnan na ang isang babae nakatira sa bahay ng lalaking hindi niya lubos kilala, 'di ba?

"The Scarlett hotel? You sure are rich," nakangiti niyang sabi.

"Ah, hindi naman." Nahihiya kong sabi. "Hey, do you mind if I asked you something?"

"Sure. Ano 'yon?"

"Who is Hansel Kang?" medyo nagulat yata siya sa tanong ko.

"I think, hindi ako ang tamang tao para sagutin 'yan." Nakayukong sabi niya.

"Huh? Bakit naman?"

"Wala lang."

"Ang tipid mo namang magsalita. Para kang si Hansel."

"Don't compare me to him!" natakot ako bigla sa boses niya.

"S-sorry."

"Hehe. Natakot ba kita? Pasensya na. 'Di mo kasi dapat talaga ako ikinukumpara kay Hansel."

"Bakit naman?" curious kong tanong.

"He belongs to a royal family."

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa narinig. "For real? How come? Eh, Pilipinas 'to 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Kay Prince Hansel mo na lang itanong."

Napasimangot naman ako. Ang sungit na lalaki na iyon? Ni wala siyang sinasagot sa mga tanong ko! Puro "shut up"' o kaya "retard" naman ang itatawag sa akin!

"Ewan ko. 'Di naman ako no'n sasagutin. Palagi kaming magkaaway," I said pouting.

"Close pala kayo," He said.

"Duh! Close kami sa pag-aaway!"

Tumawa naman siya. "Ang ganda mo. At saka ang bango mo."

Tumawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya.

"You're the second person to say that. Ano ba'ng ipinagkaiba ng amoy ko sa inyo?" I said cringing my nose.

"You have no idea." Napapailing niyang sabi.

"Wala talaga akong idea lalo na sa lugar na 'to. Bakit ba mas active ang tao rito kapag gabi? At hindi naman halata na mahilig kayo sa red, 'no? Lahat 'ata ng pagkain na nakikita ko ay strawberry flavor," bigla naman siyang tumawa ng malakas. Ano naman kaya nakakatawa sa sinabi ko?

"You amuse me every second, Ingrid. But I suggest that you ignore whatever unusual things you see. Matatakot ka lang sa malalaman mo."

"Ano naman ang katatakutan ko dito?"

"Kung ano man 'yon, sana—"

"INGRID!"

Sabay kaming napalingon ni Drake. Halos mamilog ang mga mata ko nang makita ko ang galit na mukha ni Hansel. Waah! Nakakatakot ang mga mata niya! Nakita ko ang death glare ni Hansel at Drake sa isa't-isa

Wait! Tama ba ang nakikita ko?! May pangil silang dalawa? Tama yata sabi sa akin ni Hansel na may deperensiya na ang mgamata ko. Kinusot ko ang mga mata ko para makasigurado. Eh? Wala na. Sanabi ko na, may problema na talaga ang mga mata ko.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon