14

52K 985 20
                                    





Chapter 14






ABHIE'S P.O.V






Kinabukasan maaga akong nagising! Sabado na ngayon! Kinakabahan ako dahil sabi ni Shane susunduin nalang daw niya ako mamayang 6pm.






Napatingin ako sa cellphone ko ng may magtext.







Shane : See you later Miss.







Napalunok ako, hindi ako sanay sa kasweetan niya, pero ramdam kong namumula ako dahil sa kilig. Tinignan ko ang dress ko na nakasabit sa may gilid ng pinto ko. Yan ang dress na pinapasuot niya saakin.







"Ackkkkk!!" - napapitlag ako ng pumasok si Syril at Elle sa kwarto ko!






"Hoy! Ang aga aga niyong mambulabog!!" - sigaw ko sakanila saka tumayo na ako sa kama ko.






Tumakbo sila palapit saakin!





"Date! Date! Date! May date kayo ni Monster ng kagwapuhan!! Ackkkk!" - sigaw ni Syril saka inalog alog ako sa balikat ko!





Paano niya nalaman?! Tinignan ako ni Elle at nag V sign siya! Grabe close na talaga silang dalawa!






"Kalma!!" - sigaw ko!






Tawa naman ng tawa si Elle.





"Paano ako kakalma kung magkakaboyfriend ka na?!!" - sigaw nanaman ni Syril!





"Ha? Boyfriend ka jan!!" - sigaw ko sakanya.






"Oo! Kaya nandito kami ngayon ni Elle para ayusan ka!" - sabi ni Syril habang ginugulo gulo ang buhok ko.






"Sinong aayusan?" - biglang singit ni Tita Marie.






"Si Abhie Tita! May date kasi siya mamayang 6pm!" - excited na sigaw ni Syril.







Nanlaki ang mata ko, napansin ko namang napangiti si Tita.






"Dalaga ka na Abhie ah.. Basta alam mo na ang tama at mali ha? Kung nandito pa ang Papa mo sigurado ako kakausapin niya pa yung kasama mo mamaya." - sabi ni Tita saka napatingin sa dress na nakasabit.





"Tita naman.." - bulong ko at bigla nalang tumulo yung luha ko.






Lumapit saakin si Tita at pinunasan ang luha ko.






"Iha, magiging masaya ang Papa mo kapag nakita niyang masaya ka. Sigurado ako palagi kang binabantayan ng Papa mo." - tumango tango ako at ngumiti.






"Para kay Papa magiging masaya ako." - bulong ko.





Tumango si Tita.





"Mabuti naman, kumain na tayo halika na. Umagang umaga umiiyak ka." - nakatawang sabi ni Tita.





____________





Alasingko na ng hapon at kaming tatlo nalang nila Elle ang nandito sa bahay, si Tita naman nasa meat shop namin.






"Excited ka na ba Abhie?!" - sigaw ni Syril.





"Eh mukhang mas excited ka pa kay Abhie!" - natatawang sigaw ni Elle.





"Mga adik kayo noh! Kayo kaya sumama kay Shane!" - natatawang sigaw ko.





Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon