{ TBUP -8: She's your bride }

651K 15.4K 4.4K
                                    

{ TBUP –8: She’s your bride }

 

 

 

 

Eh? Sobra ko atang nagugustuhan ang aura ni Chron ngayon sa tabi ko? As in maaliwalas kasi eh! Ang gwapo-gwapo niya tapos ang hawt-hawt pa. Panay pa ang smile! Naks naman! Blooming ba siya dahil nakakuha siya ng kiss sa girlfriend niyang “anghel” daw o dahil sa kasama niya ako ngayon?!

Waah! Mas gusto ko ata ‘yung pangalawang option xD

Naghihintay lang kami rito sa marriage booth ng mga gustong magpasakal… este magpakasal. Kaso, parang wala ata sila sa mood? Walang pumupunta rito eh. Ano kaya kung kami na lang ni Chron ang magpakasal? Sayang din ‘yung isang araw nu!

May patakaran kasi rito sa marriage booth, kapag nagpakasal kayo eh dapat na mag-date kayo ng isang araw. As in dapat eh hindi kayo maghiwalay ‘till the end of the day! Kaya parang gusto kong nakawin ‘yung pinaglilistahan ng mga ikakasal kay Chron at isulat ng pagkalaki-laki ‘yung pangalan naming dalawa.

Kaso, nag-iingat pa rin ako! Mamaya mahalata niyang head over heals pa rin ako sa kanya (kahit totoo naman). Dapat hindi ko ipahalata na gusto ko siyang itanan papuntang planetang Nemik para lang mailayo sa alien niyang girlfriend. Waaah! Ang gwapo talaga niya! <3 ___________<3

Napatingin siya sa akin! Shocks! Nakita niyang tinitignan ko siya O_____O

Parang… alam ko na kung bakit walang pumupunta rito.” Pahayag niya.

A-ano namang dahilan?” Tanong ko.

Kasi nandito ka.” Sabi niya. Omo! Pinapaalis niya ako?! T.T

HA?! Bakit naman ako?! Ano na naman bang kasalanan ko?!” Sige! Magalit ka sa kanya para ‘di ka niya mahalata!

Tsss. Break-up planner ka kasi. Kaya baka natatakot sila sa’yo.” Siya.

So?” Sabay taas ko ng kilay ko. Taray!

Paano tayo rito?! Nakatunganga ng buong araw?!” Medyo tumaas na ‘yung tono ng pananalita niya. Aba! Tayo na lang magpakasal para masaya! xD

As if I care? Tyaka kasalanan ko ba kung takot sila sa akin?!” Sagot ko sa kanya.

Bakit ka pa kasi naging ganyan…” Pabulong niyang sabi. Pero syempre narinig ko.

Naging ano?!

Naging break-up planner.

Owkay?! Hindi ba niya alam na siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito? Hindi ba niya alam na kaya ako naging bitter sa love ay dahil sa kanya?! Srsly Chron, nasaan ang utak mo? Or should I ask, nasaan ang puso mo? Ka-manhidan ba talaga pinapairal mo?! Puro kasi Selene ang inaatupag mo! Puro Selene! Hindi mo man lang ako magawang kamustahin tapos magagalit ka sa akin kung bakit ako ganito?!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon