{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }

601K 11.7K 2.7K
                                    

{ TBUP –19: She’s a Jelly Bean! }

 

                                                                        

 

 

Wooo! Kaya mo ‘yan Ericka! Simple lang naman ang gagawin mo ‘di ba? Lulunukin mo lang naman ‘yung pride mo! Hindi naman mahirap lunukin ang pride –tsk, hindi rin! Basta dapat pagkapasok na pagkapasok mo sa classroom niyo, lalapitan mo siya tapos ibibigay mo ‘to, okay? Fighting!!

Pumasok ako ng classroom at agad na iginala ang mga mata ko. Natagpuan ko ang pakay ko sa isang sulok habang nakikinig sa Ipod niya. Nung una, ayaw umabante ng mga paa ko dahil sa sobrang hiya at sa sobrang taas ng pride ko, pero kinaya ko ‘yun dahil alam kong pag nagawa ko ‘to magiging maayos na ang lahat.

Huminga ako ng malalim  at marahan na lumapit sa kinaroroonan niya. Nakatingin ako sa sahig, hindi ko siya matignan sa mata eh. Masyado kasi akong guilty at nahihiya.

Ito na! Hingang malalim!

Best I’m sorry!” Sigaw ko sa kanya habang inaabot ang home-made sandwhich pero nakayuko pa rin ako. Ako ang gumawa nun ha! Favorite kasi ni Best ito. Palagi niya akong inuutusang gumawa kapag nasa bahay siya.

Best?” Inangat ko na ‘yung ulo ko tapos nakita ko siyang nakangiti, “Best!!” Niyakap niya ako, “Sorry ‘din! Sorry kasi hindi ko sinabi sa’yo. Huwag na tayong mag-aaway ulit ha? Kung hindi tatalon ako sa roof top!

Best naman, huwag sa roof top! Masyado nang makasaysayan ‘yun para sa akin.” Sabi ko naman.

Medyo naluha kaming dalawa. Worth it talaga kapag nilunok mo ‘yung pride mo. Hindi ko na kasi talaga matiis si Carmeen eh. Masyado ko na siyang nami-miss kayak o ‘to ginawa. Tyaka natauhan na rin ako.

Pero hindi ibig sabihin nun titigil na ako bilang isang Break-Up Planner! No way! Hangga’t may mga couples na may hindi sincere relationship, huhulaan ko pa rin sila! Mwhahaha! –Shet, ang demonya ko xD

Umupo ako sa tabi ni Best, “Best pumayat ka. Mas nagmukha ka ng butiki.” Komento ko sa kanya. Pero totoo! Pumayat talaga si Best, “Huwag mong sabihing pinapagod ka palagi nung Elzid na ‘yun? Naku! Ipapalapa ko ‘yun kay Lolong sinasabi ko sa’yo!

Hanggang ngayon ba naman OA ka pa rin?” Psh, di naman ako OA. Inaalala ko lang siya! “Malaki na ang pinagbago ni Elzid.

Napaisip ako, “Sa bagay, nung isang araw nga naatim niyang lumuhod sa harapan ko eh. Akalain mo ‘yun? Yung gago lumuhod sa dyosa?

Hahaha!” Humalakhak si Carmeen, “Ginawa niya ‘yun? Tss… iba talaga ang dyosa eh nu? Dyosang iniwanan ng boypren?” Ngumiti ng nakakaloko si Carmeen.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon