{ TBUP -20: It's Now or Never }

543K 12.6K 2.9K
                                    

{ TBUP –20: It’s Now or Never }

 

 

 

 

 

 

Pare! May bago raw chix sa D-High! Shet! Ang ganda at ang sexy! Sobrang hot!!

Sus! Maka-describe naman ‘tong lalakeng ‘to mukhang natatae. Hot daw? Sino ba ‘yun? Baka mas hot naman ako run? Tsss… late na naman ‘yung teacher namin. Walang kwenta! Punyemas ‘yan!

Napansin ko ‘yung mga lalake sa classroom namin parang asong ulol. Kulang na lang maglaway sila eh. Ano bang problema? 

Uyy, bakit muntanga kayo ngayong umaga? Anong meron?” Tanong ko sa kaklase kong nerd na mukhang manyak.

Di mo alam? May bagong transferee sa D-High! Tae! Ang sexy niya!!” Sabi nung kaklase ko.

So okay? Yung transferee ang pinag-uusapan nila? Sino ba ‘yun? Taeng ‘yan! Parang may papalit na sa akin ah. May mas gaganda pa kaya kesa sa akin? Iharap niyo sa akin ng maipa-salvage ko na! Lol, de joke lang.

Ilang sandal pa lang ay pumasok na ‘yung teacher naming late. Grabe ano pang maituturo niya sa natitirang 15 minutes niya? Sayang! Favorite subject ko pa naman ‘tong English =____=

Class, you have a new classmate.” Pangbungad kaagad nung teacher namin. Lalake siya eh. Hindi man lang nag-good morning!

Sir!” Nagtaas ng kamay ‘yung kaklase kong lalake tapos tumayo siya, “We already saw her. And she’s hot as hell!” Tapos nagtawanan na ‘yung mga lalake kong kaklase. Well except kay Chron.

Ahem. Wala pa rin si Psyche? Baka nagkasakit? Anla! Na-love sick? Naalala ko tuloy nung kahapon. Ang kawawa niya. Ang sinungaling ko kasi! Kataasan ng pride. Tsk tsk…

Class, quiet!” Tumingin si Sir ‘dun sa pinto, “Miss transferee, come in.

Ang tagal naman niyang maglakad. Nai-intriga na ako sa mukha niya eh! Di na ako makatiis makita kung mas maganda ba siya sa akin xD

So habang lahat kami nag-aabang eh pumasok na ‘yung transferee daw. At muntik ko nang malaglag ang panga ko sa nakita ko.

Putangina! Nag-transfer sa D-High ‘yung malandi!! Ay buset! Yan ba ang hot? Duh! Mas hot naman ako! Mas maganda ako dyan! Malandi ‘yan eh! Shet! >_________<

Tapos biglang pumasok si Psyche. Bigla ko tuloy naitaas ang kilay ko. Amf! So sabay sila? So sila na? Shet! Sira na naman ang umaga ko! Palagi na lang sinisira ng malanding ‘yan! Sasapakin ko ‘yan!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon