{ TBUP -21: She's a Flirt }

558K 10.7K 1.4K
                                    

{ TBUP –21: She’s a Flirt }

 

 

 

--Chron’s Pov--

 

Good job kapatid ko! Nakadali ka rin! Ang saya nilang panoorin sa quadrangle. Kahit basang-basa wala silang pakialam. Naghaharutan pa rin. Kung nandito kaya si Selene? Ganyan din kaya kami?

Haay… miss na miss ko na siya. Ni hindi nga siya nagrereply sa mga text ko, hindi siya sumasagot sa mga tawag ko pati sa mga e-mails ko wala rin. Kinalimutan na ba talaga niya ako? Kasi ako, hindi pa at hindi ko alam kung paano.

Habang naiinggit ako sa kapatid ko at sumusulyap mula sa bintanang ito nakita ko sa tabi ko si Scarlet. Ano kayang say nito?

Ang sweet nila nu?” Panimula ko.

Tsss. That bitch doesn’t deserve to be happy.” Sabi ni Scarlet habang nakatingin ng masama kina Psyche at Athena. Uh-oh.

Missy,” Inakbayan ko siya. “kung ako sa’yo, manglalandi na lang ako ng iba.

Inalis niya ‘yung braso ko sa kanya and she gave me a death stare, “Hindi naman ‘yung panglalandi ko kay Psyche ang problema eh. Wala kang alam kaya pwede ba, huwag mo na akong kausapin dahil hindi tayo close.” Tapos umirap siya at umalis na.

Pero parang trip ko siyang sundan. Ewan ko kung bakit. Wala lang siguro talaga akong magawa sa buhay ko kaya ko ‘to gagawin. Tyaka gusto ko rin siyang makilala ng husto. Nung nasa Zxcvbnm High pa ako palagi ko siyang nakikita pero hindi naman siya ganito dati. Hindi siya malandi, loner nga siya eh. Hindi ko nga alam kung bakit isang araw naging fling na siya ni Psyche.

Bakit mo ba ako sinusundan?” Kung nakakamatay ang tingin ni Scarlet, siguro kanina pa ako nakahandusay dito. Tsk tsk…

Oh? Sinusundan ba kita? Dito rin naman ang daan ko ah.” Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

Umirap ulit siya tapos nagpatuloy na sa paglalakad. Nung malapit na siya sa gate natigilan siya saglit habang nakatingin kina Psyche at Athena. Ano bang problema niya? Hindi naman siya in love kay Psyche para magselos ah?

Tumakbo ako papalapit sa kanya at binulungan siya,

Manglandi ka na lang kasi ng iba para hindi ka naiinggit.

Nagulat siya at napalingon sa akin, “Aish! I hate you Chron! Nagger ka pa rin kahit kailan! Dyan ka na nga!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon