{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }

600K 11.5K 2.5K
                                    

{ TBUP –22: Courting The Break-Up Planner }

 

 

 

 

 

Uyy Ericka! Ano ba ‘tong laman ng bag mo? Bato?! Bat ang bigat-bigat?!

Yan si Psyche, nagrereklamo na naman. Grabe! Dalawang buwan pa lang siyang nanliligaw tapos panay ang reklamo? Napaka-demanding pa! Paano na kaya kapag kami na? Sus! Magpasalamat siya… ano… mahal ko siya. Shet!

Nagrereklamo ka?” Mataray na tanong ko sa kanya.

H-Ha? Hindi ah! Hindi ako nagrereklamo! Bakit naman ako magrereklamo? Ang gaan-gaan kaya nitong bag mo! Kayang-kaya ko ng isang kamay!

Pinipigilan kong tumawa sa inaasal ni Psyche. Under na under ang dating niya eh! Tyaka, magbubuhat lang ng bag hindi kaya? Sus! Kaya ‘yun ni Psyche! Sabi niya nga sa akin mahal niya ako ‘di ba? Aba! Patunayan niya!

Nung nagtapat nga siya sa akin noon akala niya sasagutin ko na kaagad siya. Oh well, isang malaking ASA! Ano ako easy to get? Kahit naman mahal ko na ‘yan syempre dapat patunayan niya pa rin ang sarili niya sa akin. Malay ko ba, baka pinagtritripan niya lang ako? Kaya ligaw-ligaw muna Psyche! Mwhahahaha!

Uyy, kailan mo ba ako sasagutin?” Yan na naman ‘yung tanong niya eh!

Bakit? Nagmamadali ka?” Tanong ko sa kanya with matching pagtaas pa ng kilay.

Hindi naman. Hindi na kasi ako makapaghintay isigaw sa buong mundo na girlfriend na kita.” Tapos nag-wink pa siya.

Potek! Pigilan mo ang sarili mo Ericka! Inhale-exhale! Kalma lang! Shet! Putanginang Psyche ‘yan! Bakit pinapakilig mo ‘ko ng sobra-sobra?! Bakit kailangan mo akong torture-in ng ganito?! Anobey! Mamaya yakapin ko na lang siya rito bigla or mas worst mahalikan pa –ay wait, worst ba ‘yun? Kyaaa! Nagwawala ako sa kaloob-looban ko eh! Tangina!

Aww. Ang cute mo namang mag-blush.” Wika niya.

Hoy! Hindi ah! Ano… uhmm… may sinat ako kaya ako namumula! Yun!” Nagpapasalamat ako sa palusot.com dahil sa walang kwentang palusot na ‘to. Pero sana maniwala siya =___=

Aish! Maniwala ka na lang! Nakakahiya namang amining kinikilig ako nu!

Talaga?” Lumapit siya sa akin. As in malapit na malapit! Tapos kinapa niya ‘yung noo ko. Tapos bigla ko na lang naramdaman ‘yung malalambot niyang labi sa noo ko. “Ayan, gagaling ka na.” Ngumiti siya.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon