{ TBUP -24: Puzzled }

601K 10.1K 2.5K
                                    

{ TBUP –24: Puzzled }

 

 

 

 

 

--Scarlet’s Pov--

 

So ito ‘yung tinatrabaho mo sa Student Council office?!” Tanong ko kay Chron na kasalukuyang tinitignan ang mga kaklase naming umaakyat sa bus.

Oo. Di ba maganda? Bakit ayaw mong sumama? Tss… sorry pero sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka. Secretary kaya kita.” Tapos nag-smirk siya at bigla na lang niya akong binuhat at ipinasok sa bus.

Oh ‘di ba ang sweet niya? Kung makabuhat para lang akong sako ng bigas?! Taenang ‘yan! Sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi na ako lalapit sa kanya pero ano ngayon?! Nganga! Nakalimutan ko, secretary niya nga pala ako at kailangan kong manatili sa tabi niya!

Ayoko na sanang ituloy ‘yung plano ko kaso, parang ang ganda nung pagkakataon para bumitaw ako ‘di ba? Pagtri-tripan ko lang naman siya eh. Yun lang, pramis!

Oo nga pala, pupunta kami ng resort. Buti nga napapayag ni Chron si Ma’am Perez eh! Sabi niya field trip daw! What the heck! Anong klaseng field trip ang pagpapasarap at pagswi-swimming? Tsk tsk… ang gandang i-impeach! Amf >_____<

Habang naka-upo ako sa tabi ng bintana, napatingin ako sa likod ko. Dun pala naka-upo ang dalawang maharot?! Psyche at Ericka? Taenang ‘yan! Ngitian lang ang ginagawa pero para ng sasabog sa kilig ‘yung dalawa! Sige na! Sila na! Sila na ang may bonggang love life! Bwiset! =_____=

Tumabi ka nga!” Sabi sa akin ni Chron.

Ay bwiset! Anong gusto mo, sa bintana na ako umupo?! Tyaka bakit ka ba nakikisiksik dito?! Dun ka sa ibang upuan! Dami pang bakante eh!” Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Alam mo kasi, secretary kita kaya dapat katabi kita. Kuha mo?” Tapos bigla na lang siyang sumandal sa balikat ko.

Eff! Huwag na huwag mo ‘tong gagawin sa akin Chron! Please lang! Wala pa ako sa kondisyon para mainlab, paglalaruan pa kita eh! Bwiset naman! Ano bang nangyayari sa kanya? Isang araw, masungit siya at snob pero ngayon?! Why is he trolling with me?! Alter ego?! What the fudge!

Hoy! Hoy! Alisin mo nga ‘yang ulo mo!” Sabay tulak ng ulo niya mula sa balikat ko, “Hoy!” Sinilip ko siya pero nakapikit na ‘yung mga mata niya. Ano ‘to, tulog-tulugan?!

Pero ito naman ang gusto ko ‘di ba? Ang ma-seduce siya at tawanan siya kapag nangyari ‘yun? Ang paglaruan siya? Pero ano ‘to? Bakit bigla na lang nagtatatalon ng parang putanginang kangaroo ‘tong puso ko?! Hoy hoy hoy! Puso! Kumalma ka! Umayos ka dyan kung hindi… naku!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon