{ TBUP -26: Answer Key }

449K 9.7K 2.5K
                                    

{ TBUP –26: Answer Key }

 

 

 

 

Break muna sa paghahanap nung mga haters ko. Exam kasi namin ngayon, at unfortunately hindi ako nag-review. Sino ba kasing boba ang magre-review?! Walang kwenta ‘yan! Stock knowledge lang mga dre! Ako pa! Matalino kaya ako. Mwhahaha! Sa ngayon, kakain mun ako!

Hoy best! Ano, kilala mo na ba ‘yung hater mo?” Tanong ni Carmeen sabay upo.

Kung kilala ko na siya –sana may pinaglalamayan na sa D-High ngayon.” Kalmado kong sagot sabay kagat sa chicken sandwhich ko.

Eh, nagreview ka na ba?

Ako? Kailan pa ako nag-review?! Best naman! Parang ‘di ka na nasanay sa akin!

Ay oo nga –sanay na sanay na ako lalo na ‘pag pinapakita mo ‘yung test paper mong may malaking bilog sa bandang itaas. Tsk tsk…” Napatawa na lang ako sa sinabi ni Best.

Tyaka na lang ako magse-seryoso sa pag-aaral, kapag college na. Para solb ‘di ba? Hehe.

Tatambay na sana kami ni Best sa classroom para manggulo ng mga nerds na nagre-review nang bigla akong tawagin ni Nurse Kim –wow! Himala pumasok siya?!

Pakidala naman ‘to sa faculty room, please? Yan ‘yung listahan ng mga gamot na dapat bilhin sa clinic. Sige ha. Salamat!” Tapos nag-wave siya at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Best at halatang gulat kami sa inasal ni Nurse Kim.

Blooming si Nurse Kim.” Sabi ni Carmeen.

Baka may bago ng love life?

Siguro nga. Tara na, samahan na kita sa faculty room.” Sabi ni Carmeen.

So pumanhik kami sa hagdan at nagtungo sa faculty room. Habang naglalakad kami eh bigla na lang may bumunggo sa aking  babae na halos matakpan na ang buong mukha niya ng mahaba niyang buhok. Muntik na nga akong matakot eh, mukhang sadako dre! Pero agad naman siyang nag-sorry kaso sobrang hina ng boses niya. Hindi ko na lang pinansin at tumuloy na ako sa faculty room at nilapag ‘yung listahan.

Pagkatapos nun dumiretso na kami sa classroom namin. Tamang-tama nga eh kasi magsisimula na ‘yung exam. Kakaiba ‘tong exam ngayon kasi –puro math lang. Bwiset nga eh. Sabi nila konsiderasyon na raw ‘to kasi alam nilang mahirap ‘yung math. Next week na lang ‘yung exam sa buong subject. Math lang daw muna.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon