Chapter 26: No Words

27.8K 1.1K 189
                                    

Chapter 26: No Words

Sakura's Point of View

Basted? Sira na ba talaga ang ulo nito?

"Yo!"

"West!"

Pareho kaming napalingon ni Kanluran na marinig namin iyon. Nakita ko sina East, Rogue, Katana at Falcon na nakangisi sa amin.

"Hi Sakura?" nakangiting bati sa akin Falcon

Napasimangot naman si Kanluran. "Bakit ka nandito?"

"Oh bakit? Bawal na ba ang gwapo dito?"

"Tang ina mo, Falcon!"

"Huwag kang mainis dahil hindi naman ikaw ang sadya ko," makahulugang wika niya.

"Tang ina! Umalis kana nga at puntahan mo na ang sadya mo! Huwag niyo nga iniistorbo—"

"Ang panliligaw mo?" nakangising wika ni Falcon. "Nanliligaw ka nga ba?"

"Si West? Manliligaw? Naggagagohan ba tayo dito? Pachicks kaya iyan!" natatawang saad ni Katana.

"Fuck you!"

"Nah! I'm fine, bro! Kuntento na ako sa mga babae ko," nakangising wika ni Katana.

"Huwag niyo nga sirain ang diskarte ng kakambal ko. Baka mabasted iyan at mayari tayong apat!"

Nagtawanan ang apat dahil doon. Napailing naman ako sa asaran nila.

"Basted na ba, Sakura?"

"Huh?" gulat na nilingon ko si Falcon.

"Ano ka ba hindi pa nga nanliligaw iyan si West!"

"Tang ina naman, West! Ang bagal mo!"

"Shut up, Gago!"

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa nakikita ko. Paano naman kasi ay namumula na si Kanluran. Marahil siguro ay sa sobrang inis o di kaya sa init ng panahon.

"Walang hiya! Namumula ka, West?"

Para matapos na ang gagohan ng apat na ito ay nagpasya na akong magsalita.

"Ano pala ang ginagawa niyo dito, East?"

"Pinapunta kami ni kambal."

"Ah..." Kung tama ang hinala ko sila ang tutulong sa amin.

"Umalis ka na nga!" inis na saad ni Kanluran kay Falcon.

Bakit inis na inis si Kanluran kay Falcon?

"Bakit mo siya pinapaalis?" kunot noong tanong ko. "Ako ang nagpapunta sa kanya dito."

Sabay sabay silang apat na napatingin sa amin ni Falcon. Lalong hindi maipinta ang mukha ni Kanluran at ang kinataka ko pa. Ang pagsalubong ng kanyang kilay na kulang na lang ay maging isa ito. Samantalang si Falcon ay abot ang tenga ang ngiti. Tumaas pa ang sulok ng labi na magtama ang mga mata nila Kanluran.

"Nagseselos kasi," nakangising sagot ni Falcon. "Ito na."

May inabot siya sa akin ng isang envelope. Kagabi nakatanggap ako ng isang text mula sa kanya na natapos na ang kanyang pag iimbestiga.

Kinakabahan na kinuha ko iyon. Hindi ko alam pero tinambol ang puso ko na mahawakan ko iyon.

"S-Salamat."

"No problem, Sakura. Basta ikaw. Nahirapan talaga ako na hagilapin ang cellphone number mo dahil sa isa diyan," matiim na tinignan ni Falcon si Kanluran.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon