46th Chapter

518K 10.8K 1.6K
                                    

Chapter 46

Ngayon, napagdesisyunan namin ni Sara na nasasayang lang yung perang binayad ko dahil wala namang nangyayaring kissing lesson samin ni Cyriel, more of "make out session." Don't get me wrong, na eenjoy ko, oo naman, i mean, sino bang hindi?

Kaya para masulit 'to, magoout of town kami ngayon, actually, si Sara at Dave lang naman talaga ang may lakad eh, "sabit" lang kami kumbaga. Binabantayan ko kasi si Sara eh, alam niyo na, mahirap iwan mag isa 'to, may ginagawang kababalaghan :|

Ano? Ready na kayo?

Kagabi pa. Hahaha. Excited na ako, ang init sa Manila, panahon na para magpalamig sa Tagaytay

Sus. Maghahanap ka lang ng babae dun eh

Asa naman. May Dana na ako

Ehem

Mukhang mga bata. Simula nung magkaayos kami ni Cyriel, naging ganyan na sila ni Andy, mukhang bata. Lagi akong pinag aawayan, mula sa paghahatid sa classroom hanggang sa pagbubuhat ng gamit at pagbili ng pagkain, lagi silang may pagtatalo. Pakiramdam ko tuloy ang haba na ng hair ko

Bakit? Hindi din naman siya sa'yo ah?

Ako pa rin ang may karapatan dahil may kontrata siya sa akin

Bakit ganun? Kaya lang ba kami ganito dahil sa kontrata? Dahil lang ba dun? 6 months lang yun eh.. Nakaka 4 months na kami, 2 months na lang ang natitira...

Sus, pagtapos na yun, wala ka ng hawak

Tama. Tama si Andy. Wala kaming pinanghahawakan sa isa't isa.. Ni hindi pa nga kami nagsasabihan ng "I Love You" eh..

Tama na nga. Tara na, iiwan ko kayo sa highway pag magulo kayo

Yessir

Tapos pumasok na kami sa van ni Dave. Ang dami talagang memories ng sasakyan na 'to, dati

birthday ng mommy ko at kami ni Andy ang magkasama, ngayon naman, kami na ni Cyriel. Ang daming pinagbago..

Ano, Dave? Kakasa ka ba?

Ulol. Hiwa hiwalay ng kwarto. Kay yaman yaman mo, nagkukuripot ka

Ano bang pinag uusapan nila?

Eh ang KJ mo naman eh. Sara, payag ka naman di ba?

Ayos lang

Uhm, guys, andito ako?

Ayun naman pala eh. Asus, Dave, kung alam ko lang, gagapangin mo naman si Sara mamayang gabi eh

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon