Kill me

1.4M 20K 5.6K
                                    

[ This is for my friend here in watty! Maraming Salamat sa bagong book cover ng MMMMP! The best ka talaga friend!]

 

Asha's POV

"Oh.." nilapag ni Jd ang pangalawang bowl ng mani sa harap ko habang nanunuod kami ng Cars.

Ewan ko ba jan, di ko naman trip yung Cars pero yun yung sinalang nya, pambata na panlalaki pa. Di talaga ako makarelate!

"Wala na bang ibang snack? Puro mani na lang?"

"Babe, sabi nila pag buntis ka, kumain ka ng mani para tumalino ang Baby. Saka ayon sa study, Food for the brain daw ang mani. Nakakatalino yun." tiningnan ko sya ng masama. Ang weird nya talaga!

"Yung totoo Jd, nagkaanak ka na ba at parang alam na alam mo ang pagbubuntis?"

"Babe! Wala akong ibang anak."

"Eh bakit parang bihasa ka na yata?"

Nilabas nya yung ipad nya at nagtouch-touch sya dun. "Ito! Ang aking ever reliable website source! Jan ko nakukuha lahat ng information!"

Sinilip ko yung site, oo nga, andun yung stages of pregnant women, symptoms, to do and what to do, manerisms, characteristics at kung ano ano pang chuchu eklabu!

"Ok! At lahat ng nanjan ginagawa mo?"

"Syempre! Ganyan kita kamahal!" inakbayan nya ako at niyakap. Natawa na lang ako habang hinahalikan nya ko sa leeg. Ito na lang ulit nya sinabi na mahal nya ako, and it's creepy. Ang gara lang ng feeling, yung parang masaya na kinikilig ka, but then nakaka kaba.

"Ehem, ilang percent ba ang audience impact? Nang mabigyan ko na kayo ng rate. Hiya hiya din pag may time ah?" nasa dining area pala si Ivan na nakatambay dito sa room namin.

"Gusto mong mag poreber Japan ka na?"

"Ang bad mo kay Ivan!" tapik ko kay Jd, lagi na lang nyang tinatakot iwanan si Ivan pag hindi uma-agree sa kanya.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon