{ TBUP -43: Or Else }

372K 7.4K 406
                                    

{ TBUP –43: Or Else }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Naiwan pa rin ako sa Puerto Galera. Gusto ko pang magpahangin eh. Iniisip ko pa rin ‘yung kwento ni Qaz. Feeling ko kasi kailangan ko talagang layuan si Colosseus. Feeling ko napaka-delikado niya. Iniisip ko rin kung paano ko pro-protektahan si Mama –si Mama atyaka ‘yung kasal niya –‘yung kaligayahan niya. Hindi ako pwedeng magpatalo kay Colosseus. Masaya si Mama kay Tito Sev. Yun lang.

Biglang bumalik si Qaz. Napatayo ako.

Augh. Pinapatawag na ako ni Daddy sa Manila.” Wika nito sa akin. Yung mukha niya parang nalulungkot.

Ah okay…

Hmmm…” Bigla itong ngumiti, “I’ll see you in Manila, sweetheart! I’ll make you fall in love with me when you get there!” Tapos bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi. Well, at least hindi sa labi =______=

Nag-wave na siya as a sign of goodbye tapos tumakbo na siya papalayo. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa impormasyong binigay niya. Baka kung hindi niya sinabi ‘yun sa akin baka madali na rin ako ng magiging kapatid ko.

Salamat…

Tumingin ako sa dagat at nagpakawala ng isang buntong hininga. Napagpasyahan kong bumalik na lang sa bahay namin. Bahala na… at least may alam na ako tungkol sa magiging kapatid ko.

Posible kayang gawin niya sa akin ‘yun?

Pagkabalik ko sa bahay, nadatnan ko si Mama tapos si Tito Sev sa sala habang nanunood ng TV. Napakinggan ko nga ‘yung kakornihan nilang dalawa eh =____=

Ano na bang nangyayari sa drama na ‘to?” Tanong ni Tito Sev kay Mama na kasalukuyang nakasandal ‘yung ulo sa balikat ni Tito Sev.

Aba malay ko. Hindi ko naman sinusubaybayan ‘yan eh. Ikaw lang…” Sagot naman ni Mama.

Biglang nangiti si Tito Sev ng sobrang lawak, “Ako lang ang sinusubaybayan mo?

Oo.

Tapos ayan na. Walang humpay na halikan at yakapan na. Mag-make out session daw ba sa sala?! Tsk tsk… dagsain sana kayo ng mga daga at langgam! Ang sweet-sweet na nga, ang keso-keso pa! Korni pa! Amff~

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon