{ TBUP -48: Strawberry Cake }

397K 7.8K 1.4K
                                    

{ TBUP –48: Strawberry Cake }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Nauwi na ako sa bahay. Putek! Bad trip talaga ‘yung Psyche na ‘yun! Akala niya kung sinong gwapo –teka, gwapo naman talaga siya. Mas lalo nga siyang gumwapo eh! Ayy teka, galit ako sa kanya, okay?!

So ayun, hindi pa nga siya nagso-sorry tapos makikipagbalikan na kaagad?! Anong akala niya sa akin timang?! Well, timang his face! Kagaguhan! >___________<

Makatulog na nga lang! Basta ang alam ko, ako ang nanalo! Ako ang nagwagi!

So ano ka ngayon lintang Irish? :P

--Scarlet’s Pov--

 

Inhale, exhale? Uso ba ‘yun? Like duh! Matapang ako! Kahit ano kaya kong gawin! Kahit pa ang manligaw –este, magtapat.

Amputa lang! Tinatablan pa pala ako ng ‘love’? Shet ha! Di ko namalayan! Pero kasi, ewan ko! Paggising ko bigla ko na lang siyang naisip, bigla ko na lang siyang naalala. Tapos na-realize kong nakangiti na pala ako!

Lintek, na-inlab na nga ako kay Chron =_______=

Yun na ‘yung bagay na kinakatakot ko eh! Ilang beses ko nang sinubukang lumayo pero ano ako ngayon? NGANGA! Kasi ngayon, hindi ko na mapigilan ‘yung sarili kong mahalin siya kahit alam ko naman sa sarili ko na may iba siyang mahal. Na kahit sobrang layo nung girlfriend niya sa kanya, loyal pa rin siya. Na kahit ilang beses ko siyang i-seduce, iba pa rin ‘yung laman ng puso’t isipan niya.

Selene pa rin.

Pero anong ginagawa ko sa tapat ng gate nila? Sabihin niyo nga?!

Ah oo nga pala, magtatapat.

Ewan, hindi ko rin alam kung bakit ko ‘yun gagawin. Siguro nga matapang lang talaga ako para gawin ‘to. Oh sige, sabihin na lang din nating… oo, nagbabakasakali ako. UMAASA AKO.

Paano kung pagkatapos kong magtapat eh ma-realize niya na ako na ‘yung mahal niya at hindi na ‘yung Selene ‘di ba? Paano kung mainlab ‘din siya sa akin? Or paano kung matagal na pala niya akong gusto pero na-torpe lang siya. Haaay… sana nga tama ako.

Hindi naman ako ‘yung klase ng babaeng masyadong assuming eh. Pag ayaw sa’kin eh ‘di ayaw. Titigilan ko na lang kaagad. Pero sabi nga nila, wala namang mawawala kung susubukan kong sabihin sa kanya ‘yung nararamdaman ko ‘di ba?

Umaasa lang ako.

Nag-doorbell na ako sa gate nila. Agad naman akong pinagbuksan ng maid nila. Pinatuloy ako sa loob ng bahay at pinaupo sa sofa.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon